Advertisers

Advertisers

UAAP BASEBALL: NU BULLDOGS NILAPA ANG ADAMSON FALCONS PASOK SA SEMIS TWICE TO BEAT

0 34

Advertisers

PATULOY sa pananalasa ang National University sa diamond kung saan ang huling biktima nito ay ang Adamson University,12-6 kahapon sa huling araw ng double eliminations ng University Athletic Association(UAAP) Season 86 men’s baseball tournament sa UP Baseball Field, Diliman sa Quezon City.

Sinimulan ng Bulldogs ang paramdam ng bangis sa triple ni Jerrick Timban tungo sa pagtapak sa homeplate sa sacrifice fly ni Kent Altarejos.

Nadalawahan ng run ng Falcons ang NU sa ituktok ng 2nd inning na nasundan pa ng isa 4th frame habang humataw ng isa ang tropa ni team manager Wopsy Zamora upang dumikit 2-3 .



Tangan ng Adamson ang bentahe ,4-2 pero naagaw. ng Bustillos batters ang manibela sa 6th inning 5-4.

Matapos ang 2 run sa 7th ng San Marcelino sluggers ay nagpaulan ng run ang Bulldogs na sinamantala ang errors sa drpensa at pitching ng Falcons.

Mula sa 5-6 na advantage ng kalaban, nagbaga ang bat ni NU pitcher Amiel de Guzman na pumalit kay starting picher MJ Carolino,sa matinding hataw nito sa bandang kanan ng field na naging mitsa ng nakapapasong 12-6 na bentahe sa bottom 7th na naging final score ng bakbakan upang maseguro ang twice to beat advantage sa final four.

“Masaya po kami sa performance ng mga bata na lumalaban kahit ilang beses kaming nalamangan.Sa ngayon po ay kailangan naming paghandaan ang semis, Iyon muna ang focus namin” , wika ni winning coach Romar Landicho na special mention ang kaagapay niya sa bullpen na sina deputy coach Robin Go, Junemar Diarao( pitching coach ), conditioning coach Mon Espina at sa lubos na suporta ni team manager Wopsy Zamora at motivation chief Rey Sol.

“Slowly but surely, we are inching closer to our mission to accomplish, go Bulldogs!,” sambit ni Zamora na pinuri ang giting na laro ng kanyang brigadang bulldogs na sina Nigel Paule ,Joven Maulit,Gio Corpido, Jude Maulit, Cyrill Antipolo, Nico Calanday,Olazo, Camposanto,Timban, De Guzman, Carolino at Altarejos. (Danny Simon)