Advertisers

Advertisers

Demonyong nagpanggap na Diyos

0 3,845

Advertisers

MAGANDA ang Evangelio ng pari sa Manila Cathedral nitong Linggo ng 10:00am mass.

Ito’y hinggil sa demonyo na nagpanggap ng Diyos para makakuha ng maniniwala sa kanya.

Sabi ng pari, ang demonyo ay nagpanggap na Diyos at nagpakita kita kay Teresa para makuha niya ang simpatya ng huli.



Pero hindi naniwala si Teresa na ito nga ang Diyos. Dagil ang Diyos ay mayroong mga sugat, habanga ng demonyo na nagpanggap na Diyos sa kanyang harapan ay walang mga sugat.

Ang Diyos daw ay may mga sugat, sabi ng pari.

Sabi pa ng pari, marami ang nagpapanggap ngayon na Diyos o Anak ng Diyos (Son of God). Ang isa nga raw diyan at hinahanting na ng batas, wanted. Hehehe…

Sino sa tingin ninyo ang great pretender na ito na anak ng Diyos na wanted sa batas, na tinutukoy ng pari sa Manila Cathedral?

Parang si Pastor Apollo Quiboloy eh? Hehehe…



***

Mainit na isyu parin ang pagtatago sa batas ni Quiboloy.

Isa sa mga palusot ni Quiboloy kaya ayaw niyang lumantad ay dahil may info raw siya na ipadudukot ng US govt. at patayin. Hahaha…

Kung siya nga ay “Anak ng Diyos”, tulad ng kanyang ipinangangalandakan, bakit hindi niya harapin ang mga inaakusa sa kanya kung tunay na banal siya, walang kasalanan?

Tulad ni Jesus Christ, hinarap Niya ang mga nag-aakusa sa Kanya, tinanggap ang mga parusa pati kamatayan.

Pero itong si Quiboloy na nagsasabing anak siya ng Diyos, nagtatago, takot maimbestigahan at takot makulong. ‘Yan ba ang tagapagligtas? Baliw lang ang naniniwala sa taong ganito. Animal!

***

Mukhang magiging dikdikan ang labanan sa pagka-pangulo sa 2028, ayon sa maagang survey sa presidentiables ng Pulse Asia.

Nangunguna sa survey ang Journalist/Senator Raffy Tulfo. Pero isang punto lang ang lamang niya sa pumapangalang si Vice President Sara Duterte-Carpio, 35-34 percent.

Malayo sa ikatlong puwesto si dating VP Leni Robredo (11%), sumunod sina Imee Marcos (5%) at Manny Pacquiao (3%).

Masyado pang malayo ang 2028 para magsagawa ng survey sa presidentiables. Dito muna tayo sa midterm election sa 2025, ang magiging pundasyon ng mga tatakbong presidente sa 2028.

Sa survey ng Pulse Asia, nangunguna sa senatoriables ang mga artista at reelectionist na sa totoo lang ay mga walang bilang sa Senado, nagbubutas ng bangko at puros kalokohan ang pinaggagawa. Hindi na sila dapat pa ibalik sa puwesto, ‘di sila mambabatas kundi mga ungas!!!

Kung ako ang tatanungin, gusto ko ibalik sina Frank Drilon, Antonio Trillanes at ipanalo ang mga katulad nina Atty. Gibo Teodoro, Atty. Luke Espiritu, Atty. Leni Robredo, Atty. Benhur Abalos, Atty. Antonio Carpio at Atty. Chel Diokno. Ang kalibre nila ang karapat-dapat sa Senado. Mismo!