Advertisers
NABUWAG ng Philippine Drug Enforcement Unit, at PNP ang isang drug den kungsaan lima sa mga adik ang nadakip sa Barangay Minuyan, San Jose del Monte, Bulacan.
Sa report na tinanggap ni PNP Regional Director Brig. General Jose Hidalgo Jr., kinilala ang mga nadakip na sina Hayer Ricaburda, 28 anyos; Jayson Dela Cruz, 26; Jericho Dela Cruz, 29; Jericho Colete, 18; at Jayson Nune, 39, mga residente ng Towerville, Minuyan Proper sa naturang lungsod.
Base sa imbestigasyon, 4:07 ng hapon ng Abril 6, 2024 nang masukol ang mga adik habang ang iba sa kanila nahuli sa akto.
Nakuha mula sa drug den ang 15 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P102,000.00 assorted paraphernalias at buy-bust money. (Thony D. Arcenal)