Advertisers
ARESTADO ang isang lalaki nang magkamaling ipakita ang kanyang dalang droga sa halip na identification card (ID) sa mga tauhan ng BPSO (Barangay Public Safety Officer) sa Barangay Damayang Lagi, Quezon City nitong Linggo ng madaling araw, Abril 7, 2024.
Kinilala ang suspek na si Giant Franco Pelayre, residente ng Isla Noah, Brgy. Damayang Lagi, QC.
Sa ulat ng Quezon City Police District station 11 Galas nadakip ang suspek sa 13 St.,Isla Noah Brgy. Damayang Lagi, QC 1:40 ng madaling araw Linggo.
Ayon sa ulat ng Galas police na nagpapatrulya ang mga tauhan ng BPSO ng Brgy. Damayang Lagi sa naturang lugar nang sitahin ang suspek habang naglalakad sa lugar.
Sinabi pa sa ulat ng pulisya nang tanungin at hanapan ng identification card (ID) ng mga tauhan ng BPSO ang suspek ang inilabas umano nito ang dalaong shabu na nakalagay sa maliit na plastic sachet .
Agad dinakip ang mga tauhan ng BPSO ang suspek na agad naman itinawag sa mga tauhan ng Galas police.
Kasalukuyan ngayon nakapiit ang suspek sa naturang himpilan ng pulisya at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Boy Celario)