Advertisers
NAGLAGAK na ng piyansa ang limang kapwa akusado ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Apollo C. Quiboloy sa kasong child abuse, exploitation at diskriminasyon na inihain sa Davao City regional trial court (RTC).
Kinilala ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga akusado na sina Cresente Canada, Paulene, Canada, Sylvia Cemanes, Jackielyn W. Roy, at Ingrid C. Canada na kinasuhan ng maltreatment.
Naglagak ang mga akusadop ng piyansang tig-P80,000 para sa kanilang pansamantalang kalayaan.
Sa kabilang banda, ang punong akusado na si Quiboloy, nanatiling nakalaya sa kabila ng arrest order na inilabas ng Davao City RTC noong Abril 1.
Kinasuhan si Quiboloy at ang kanyang kapwa akusado ng mga paglabag sa Sections 10(a) at 5(b) ng Republic Act No. 7610, Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act, dahil sa mga diumano’y sekswal na pang-aabusong ginawa. noong 2011 laban sa isang babae na noon ay 17 taon gulang.
Noong Abril 3, nagsagawa ng joint operations ang NBI Southeastern Mindanao Regional Office (NBI-SEMRO) kasama ang Philippine National Police (PNP) sa pagpapatupad ng mga search warrant sa tatlong lokasyon sa Davao City kungsaan napaulat na matatagpuan si Quiboloy pero bigo ang mga ito na maaresto ang pastor.