Advertisers
VIRAL ngayon sa social media ang ibinunyag ng content creator na si “Von Ordoña” sa pag-scam umano na ginawa sa kaniya ng kinuhang engineer para sa konstruksyon ng kaniyang dream house.
Hindi raw lubos akalain ni Ordoña na ang ipinagkatiwala niyang construction fund para sa pagpapatayo ng kaniyang bahay, mauuwi sa wala nang gamitin muna ng engineer para ipangsugal.
Hindi naman daw siya galit sa engineer ngunit nalungkot siya na napunta sa wala ang dream house na inaasahang matatapos ngayong Disyembre ng taon.
Aniya pa, ito na sana ang bahay nila ng bubuuin niyang pamilya at dito sila gagawa ng masasayang memories.
Ipinasilip pa ng content creator ang ilan sa mga bahaging hindi natapos sa ipinatatayong bahay.
“Tulungan nyo kong bulungan lahat ng mga kakilala n’yong nagsusugal na itigil na nila yan bago masira ang buhay nila at makapandamay ng iba,” saad niya sa comment section ng post.
Pinayuhan niya naman ang mga kapwa content creator na huwag magpasilaw sa halaga ng pera para i-promote ang pagsusugal.