Advertisers
PINATIBAY ng Ateneo de Manila University ang kanilang misyon na makapasok sa UAAP Season 86 men’s volleyball Final Four matapos idispatsa ang University of the East Linggo.
Pininta ng Blue Eagles ang 25-17,23-25,25-19,25-20 victory laban sa Red Warriors sa kanilang matchup sa Mall of Asia Arena sa Pasay city.
Pinamunuan ni Ken Batas ang opensiba ng Ateneo sa iniskor na 25 points built on 23 attacks at two blocks, tampok ang eight digs para sa kanyang team. Jian Salarzon nagdagdag ng 16 points at 22 receptions, Jettlee Gopio nagtapos ng 13, at Jan Mangulaban nag deliver ng 21 excellent digs.
Umangat ang Ateneo sa 6-6 sa league standings, sa rekord ay pinatatag ng Ateneo ang kanilang tsansa na mahabol ang No.4 ranked sa University of Santo Tomas (7-5).
“Like what I explained to them, whatever happened yesterday and whatever is happening now in the men’s league sabi nga may windows na nago-open ng opportunity for us to get into that Final Four,” Wika ni ADMU head coach Timmy Sto. Tomas pagkatapos ng laro.
Nalasap ng UE ang kanilang apat sunod-sunod na kabiguan at nasayang ang pagsisikap nina Joshua Pozas at Tebs Aligayon na nagtala ng 11 points,nine digs, at seven receptions, at 12 markers, 14 receptions, at three digs, ayon sa pagkakasunod.
Angelo Reyes pinamunuan ang Recto-based team sa iniskor na 12 points,habang si Andre Bicar nagtapos ng 17 excellent sets para sa UE.
Makakatapat ng Katipunan-based squad ang De La Salle University sa Abril 21 at Adamson University sa abril 24, at itong assignment ay krusyal para sa kanilang pangarap na semifinals.
Samantala, ang UE ay makakatunggali ang University of Santo Tomas sa Abril 21 at La Salle sa Abril 27.