Advertisers

Advertisers

Dalagita, sexslave ng stepdad

0 13

Advertisers

Arestado ang isang lalaki sa paulit-ulit na pangmomolestiya sa anak ng dating kinakasama na umabot ng limang taon sa Tagaytay City.

Dalawang taong nagtago ang suspek na nasa top three most wanted person ng Manila Police District.

Ayon sa ulat, nangyayari ang panghahalay ng suspek sa biktima tuwing pumapasok sa trabaho ang ina ng bata.

Sinabi ng MPD na nagsimula ang pang-aabuso simula noong 9-anyos pa lamang ang biktima, at umabot hanggang maging 14-anyos na ito.

Walang alam ang ina ng biktima sa nangyayari sa kaniyang anak, ngunit nagtaka siya nang mag-iba na ang ikinikilos ng bata.

Nagsumbong lang sa kaniya ang kaibigan ng bata ilang buwan ang lumipas mula nang makipaghiwalay na siya sa suspek.

“‘Yung thinking niya na maaari akong masira, maaari akong masaktan, ‘yun ang pinaka-fear niya kaya hindi siya nakapagsalita agad,” sabi ng ina ng biktima sa isang panayam.

Matinding depresyon at trauma ang inabot ng dalagita dahil sa ginawa ng dating amain.

Apat na count ng acts of lasciviousness, statutory rape at child abuse ang kahaharapin ng suspek.(Jocelyn Domenden)