Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
MATAPOS naging hot topic ang interview kay Darren Espanto kung saan nilinaw niya na best friends lang sila ni Cassy Legaspi, ayaw namang tantanan ng intriga ng mga dalahira si Carmina Villarroel.
May pa-share pa si mudra ng makahulugang quote na: “Don’t expect the same in return.”
Binigyan naman agad ng iba’t ibang interpretasyon ang umano’y shade o pasaring ni Carmina sa kanyang Instagram.
Hirit ng mga nagmamahadera, parunggit daw ang naturang post kay Darren dahil sa pag-deny ng singer-actor sa kanyang dyunakis.
May iba namang nagpapalagay na ang nabanggit na quote ay pagsabon sa kanyang dalaga na umano’y umasa sa relasyon nila ni Darren.
Ito ang samu’t saring reaksyon ng kibitzers.
“para ba kay Darren to mhie?”
“Hindi nya matanggap na madi-DENY ang anak nya.🤣 🤣 🤣”
“Sila una nag deny tas ngayon affected much”
“Normal naman sa ina yan. Ikaw ba dedma ka lang sa anak mo. Eh sa Super close silang family e sino magtatanggol sa anak nya Ibang tao ba?”
“Yung na deny ng bonggang bonggang bongga anakis mo booogsh”
“Ayan na si mudrakels 🤣”
“Sinabon niya si Cassy. Nag-expect ba siya in return?”
“In other words, wag pa-fall, Cassy.”
“Na-friendzone lang anak mo, parinig ka agad.”
“Naku, banned na si Darren sa mga Legaspi!”