Advertisers

Advertisers

P37m marijuana nasamsam sa MICP

0 8

Advertisers

TINATAYANG mahigit P37 milyong halaga ng “kush” o high-grade marijuana ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa isinagawang operasyon sa Manila International Container Port (MICP) sa Port Area, Manila.

Ayon sa BOC, isinailalim sa physical examination at X-ray scanning ang ilang kargamento na nagresulta sa pagkakadiskubre ng anim na kahon ng marijuana na may kabuuang timbang na 30.9 kilo noong Biyernes.

Sinabi ni Customs chief Bien Rubio, nakakatanggap sila ng mga impormasyon tungkol sa mga posibleng shipment ng marijuana mula sa Thailand.



In-inspection ang kargamento sa itinalagang examination area ng Customs Intelligence and Investigation Service-Manila International Container Port at sinaksihan ng Enforcement and Security Service, Customs Anti-Illegal Drug Task Force, Philippine Coast Guard, Environmental Protection and Compliance Division, at Philippine Drug Enforcement Agency. (Jocelyn Domenden)