Advertisers

Advertisers

“Pekeng pamangkin” ng heneral na pumasok sa bus lane, kakasuhan

0 12

Advertisers

NAKATAKDANG kasuhan ni Philippine National Police Director for Logistics, Major General Mario Reyes, ang kanyang “pekeng pamangkin” na sinita ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa iligal na pagdaan sa EDSA bus lane Huwebes ng gabi.

Sa kanyang pahayag, itinanggi ni Reyes na kamag-anak niya si “Major Miguel” na mula sa Intelligence Service of the AFP (ISAFP).

“I am now talking with my lawyers for the filing of appropriate charges against the namedropper Major Miguel,” ani Reyes.



Nilinaw ni Reyes, hindi niya kadugo o kamag-anak ang isang “Major Miguel” at hindi niya pa ito nakilala kailanman kaya nagulat siya nang sabihing pamangkin niya ito.

Sinabi ni Reyes na hindi tamang i-name drop siya ng sinumang lumabag sa batas.

Hinikayat din ng opisyal ang MMDA na maglabas ng show cause order at kasuhan ng usurpation of autho­rity si “Major Miguel”.