Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
PINAG-USAPAN ng mga Marisol ang latest guesting ni Alexa Ilacad sa It’s Showtime. Ito ang ikalawang pagkakataon na humiling si Kim Chiu ng pasampol na kanta sa kanilang guest.
Kung nabigo si Kim kay Janella Salvador na nag-request siya na kantahin nito ang ilang bahagi ng lyrics ng latest single nito at hindi siya pinagbigyan, game namang nagpaunlak si Alexa sa kahilingan ni Kim.
Puring-puri ni Kim at ng iba pang hosts si Alexa sa kanyang naging rendition ng song.
Sey nila, para raw pang-Disney ang kanta ng ka-love team ni KD Estrada.
Dahil din sa ipinakita ni Alexa na kahandaan sa pagkanta, sey ng kibitzers, ‘minamanok’ o paborito na raw ni Kim si Alexa kumpara kay Janella.
Ito pa ang ilan sa kanilang mga hirit.
“Dahil sa pagiging game ni Alexa, siya na ang darling nina Kim at ng “It’s Showtime.”
“Di ba si Janella ang tinaguriang Disney Princess. Puwes, niligwak na siya ni Alexa.”
“Ang fresh ni Alexa. Hindi siya mukhang ngarag at pagod.”
“Hello, Alexa. Bye, Janella.”
“Kahit ako mamanukin ko iyong hindi maarte at propesyonal katrabaho.”
“Kahit pagod o puyat, the show must go on. Hindi mo kailangang iparamdam ito sa fans at viewers mo.”
“Kaya nga love na ni Kim si Alexa.”
***
MAY nakitang picture na magkasama sina Kathryn Bernardo at Alden Richards na may hawak na Pepsi in can ang dalaga. May mga nag-akala na baka pinalitan na ni Alden si Daniel Padilla na endorser ng nasabing softdrinks.
Bago pa ma-bash si Alden, hindi niya pinalitan si Daniel na endorser ng Pepsi at kaya present siya sa ginanap na Sales Convention of PepsiCo dahil endorser siya ng Sting Energy Drink na ang Pepsi ang gumagawa. Hindi rin sila sabay dumating ni Kathryn sa Manila Hotel na venue ng event last Monday, April 15. Sa venue na lang nagkita ang dalawa.
Samantala, inalmahan ng ilang fans ni Alden ang open letter ng isang fan ni Kathryn dahil may pagka-demanding at may halong pagbabanta.
Sabi nito, “Dear @aldenrichards02, kinikilig kami as a kathden fan. If you are going to pursue courting @bernardokath, make sure your feelings are REAL. Kung ayaw mong mabash doble pa ni @iamdanielpadilla. Be a man of your actions. Prove them wrong.”
Ang daming dumepensa kay Alden at ipinaalala sa fan na pare-pareho lang silang fan, wag siyang mag-demand at mag-feeling entitled. ‘Kaloka, wala pa ngang relasyon ang dalawa, ang dami ng hanash at nakikialam. Paano pa kaya kapag in a relationship na ang KathDen?