Advertisers

Advertisers

Sen. Bong bagsak sa hospital nang maaksidente sa shooting

0 9

Advertisers

Ni JIMI C. ESCALA

ISANG advisory at mahigpit na babala ang inilabas ng ABS-CBN kaugnay sa pekeng auditions para sa Pinoy Big Brother (PBB), FPJ’s Batang Quiapo, at High Street.

Ayon sa network ay nakarating na sa kanilang kaalaman na may mga tao na ginagamit ang network para lamang makapanghikayat ng mga gustong pumasok sa showbiz.



Nag post pa ang mga Ito sa social media para raw sa mga audition

at casting calls umano na ipinatawag ng ABS-CBN para sa mga programang “Pinoy Big Brother (PBB), FPJ’s Batang Quiapo, at High Street”.



“Nais po naming ipaalam sa publiko na walang kinalaman ang ABS-CBN sa mga pribadong audition at casting call na mga ito,” pahayag ng network.

Dagdag pang pahayag ng network na magsasagawa raw naman sila ng unang audition para sa PBB at Star Magic sa Abril 27 sa Robinsons Novaliches, Abril 28 sa Robinsons Las Piñas, at Mayo 4 hanggang Mayo 5 sa KCC.



“Magkakaroon din ng on-ground auditions sa Visayas at Mindanao bukod sa online auditions. Antabayanan niyo po ang aming official announcement. Ipo-post ang lahat ng updates tungkol sa auditions sa opisyal na Facebook (Pinoy Big Brother ABS-CBN), X (@PBBabscbn), Instagram (@pbbabscbntv), at YouTube (Pinoy Big Brother) accounts ng PBB.

Wala raw anumang casting calls o auditions ang isinasagawa para sa FPJ’s Batang Quiapo at High Street sa ngayon.

Kaya ganun na lang ang mahigpit na paalala ng istasyon sa publiko.

“Mahalaga sa amin ang inyong kaligtasan, Kapamilya. Hinihiling namin na mag-ingat ang lahat at iwasang makipag-ugnayan sa mga hindi awtorisadong indibidwal na nagsasabing nagdaraos sila ng mga audition o casting calls sa ngalan ng ABS-CBN.”

***

MALUHA-luhang ipinahayag ng sikat na action star at kasalukuyang senador Sen. Bong Revilla ang kanyang kalagayan ngayon sa isang pribadong hospital.

Kaya ganun na lang ang paghingi ng dasal ni Senator Bong Revilla dahil malaki ang posibilidad na operahan siya para sa kanyang napunit o torn Achilles heel.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook page ay ibinalita ni Sen. Bong sa mga fans niya at mga tagasubaybay ang kanyang kasalukuyang kalagayan at kung ano ang nangyari kung bakit bigla siyang ipinasok sa hospital.

Ayon pa sa aktor at pulitiko ay isang disgrasya ang nangyari at nagkaroon ng injury ang paa ni Bong dahil sa mabilis na pagtakbo sa unang araw ng shooting niya para sa kanyang bagong pelikula, ang Alyas Pogi 4.

“Yung aking Achilles tendon, e, medyo may partial tear kaya kailangan ng operation.

“First day ko ng Alyas Pogi 4, kasama si Ara Mina at Epy Quizon. You know, may mga pangyayari na hindi mo maiiwasan kaya mangyayari talaga yon,” lahad pa ng actor-politician na kasalukuyang nasa isang ospital sa Taguig City.

“Basta importante, ipagdasal nyo po na hindi naman ganoon grabe,” pahayag pa ni Sen. Bong

Dagdag pa ni Sen. Bong na-MRI na raw naman siya at ayon sa kanyang doktor ay fifty percent ng kanyang Achilles heel ay napunit dahil sa pagtakbo. Dahil sa sobrang bilis ito ng pagtakbo sa shooting ng naturang comeback movie niya.

“Yun ang sinasabing hindi na tayo bumabata, tumatanda na, but I am okay.

“Yun nga lang, yung healing time, medyo matagal-tagal. After the operation, medyo three to five months ang healing,“ napapunas ng matang banggit ni Sen. Bong

Sobrang nalungkot si Sen. Bong at hindi niya maitago ang pagkadismaya kaya napakamot siya at nakapagsalita ng “Nakakainis.”

Dahil sa nangyayari ay tiyak na maaapektuhan ang maayos na sanang mga schedule ng senador, huh!

As of presstime ay sasailalim si Sen. Bong sa mga blood test para matukoy ng kanyang doktor kung maaari na siyang operahan para mabigyan agad ng lunas ang napinsala niyang Achilles heel.