Advertisers

Advertisers

 Toni at Alex Gonzaga naimbitahan sa Global Crusade ng Pentecostal Ministries sa LA; Boy Abunda naghahatid ng positive vibes sa “Cayetano In Action With Boy Abunda”

0 26

Advertisers

Ni PETER S. LEDESMA

LAST month, kasama ng kanilang  parents na sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy Gonzaga ay lumipad patungong Los Angeles, California sina Toni at Alex Gonzaga. Naimbitahan kasi ang magkapatid sa Global Crusade ng CHURCH OF CHRIST PENTECOSTAL MINISTRIES SA LA. Sina Alex at Toni ang celebrity guests dito. Ginanap ito last March 17 sa LA Convention Center. Parehong nagpahayag ng Salita ng Diyos at ilang encouragement words sa harap ng mga dumalo sa crusade na ito na punung-puno ang venue.

Nakaantig yung handog na kanta ni Alex na “Goodness of God” ni Don Moen. At nabigyan ni Alex ng justice yung song. Nasa audience rin sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy at very proud ang mga ito sa kanilang daughters. Pinasasalamatan nga pala nina Toni at Alex sina Bishop at Pastora sa imbitasyon nito sa kanila. After ng event ay nag-stay lang ng ilang araw at bumalik na ng Pinas si Toni para sa kanyang popular well-watched talk show na “Toni Gonzaga” at sumunod naman si Alex.



Sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy ay itinuloy ang bakasyon at marami silang mga kaanak sa Los Angeles.  Ngayong April lang nakabalik ng bansa ang famous ka-maintenance couple.

***



PATULOY na lumalakas ang “CAYETANO IN ACTION WITH BOY ABUNDA” at number one na ito sa ilang parte ng Luzon, Visayas at Mindanao. Very interesting naman kasing panoorin ang nasabing Weekend Public Service Show hosted by Sen. Alan Peter Cayetano, Pia Cayetano at Kuya Boy Abunda.

At kahit na malalim man yung topic tungkol sa iba’t ibang problemang idinudulog sa programa ay maaaliw o entertain ka sa hatid na good and positive vibes ni Kuya Boy. Dito sa Cayetano in Action with Boy Abunda ay patuloy ang paghahanap nina Kuya Boy, Sen. Alan Peter at Senadora Pia ng mga taong gumagawa ng mabuti sa iba at may nahahanap sila. Samantala this Sunday,  matitindi at naglalagablab ang mga kwentong bibigyan ng solusyon. Kinakasama ng umano’y nasilipan, gumanti ng karahasan. Ari-ariang naipundar ni Ex, pwede bang paghatian. ‘Wag na ‘wag palampasin ang mga kwentong aaksyunan nina Ate Pia, Kuya Alan at Tito Boy ngayong Linggo, April 21 na yan sa GMA 7 at 11:00 PM. Mapapanood ang replays nito sa GTV 11 tuwing Sabado sa ganap na 10:30 ng gabi. Please follow Cayetano In Action with Boy Abunda Facebook Page.



***

Socialite Joel Balason, Matagumpay Sa Buhay At Malaki Ang Puso Sa Kapwa

HINDI kami super close ng socialite na si Joel Balason but we’re friends in Facebook. At one day, nagulat na lang ang inyong columnist when Joel chat me na share raw siya ng blessing sa akin sa GCASH ko. Kaya naman hindi na ako nagwa-wonder kung bakit super blessed ito and in all fairness to Joel ay well-loved siya sa showbiz. And he is a God fearing person na bumibisita regularly sa Quiapo and Baclaran Church at National Shrine of Our Lady of Lourdes. At ilang beses na siyang pinagmilagruhan especially with his health. Naku, lahat ng gusto niya ay nabibili ni Joel at mahilig siyang mag-treat ng lunch o dinner sa circle of friends niya sa mga five star hotels.

Maging sa kanyang lovelife ay maswerte rin itong si Joel. 10 years na sila ng kanyang gwapong police na jowa. At narito ang FB post niya para sa kanilang anniversary, “Even after all this time, I still melt with you. I know you feel the same way too. I can’t help but smile thinking back on all our memories we shared together from the past 10 yrs, and I’m excited for what the next 10yrs will bring. HAPPY ANNIVERSARY my Schatz.” Well, sana all!