Advertisers
SA kanyang unang talumpati sa kauna-unahang flag raising ceremony na kanyang dinaluhan sa Camp Crame ay binigyang diin ni Police Director General (PDGen) Rommel F. Marbil ang kahalagahan ng disiplina at tunay na serbisyo na hinahanap ng mga mamamayan sa pambansang kapulisan. Ito ang kanyang magiging batayan sa pagpili kung sino ang mananatili o matatanggal sa balak niyang “reshuffle”.
Ilan sa maugong na matatanggal sa kani kanilang mga pwesto ay ilang mga top police official sa CALABARZON tulad nina Batangas PNP Director Col. Samson Belmonte, Quezon PNP Director Ledon Monte, Cavite PNP Provincial Director Col. Eleutero Ricardo Jr. at iba pa dahil sa kabiguang masugpo ang mga operasyon ng illegal vices at ibang uri ng kriminalidad sa kanilang hurisdiksyon.
Si Col. Belmonte ay tila hinihilang pababa ng “poor performance” ng kanyang mga hepe ng kapulisan, kabilang na sina Tanauan City Police Chief LtCol. Apolinar Lunar Jr., Lipa City Police Chief Lt Col. Rix Villareal, Lemery Police Chief LtCol. Ronnie Siriban, Nasugbu Police Chief LtCol. LtCol. Reynaldo Domelod, Taal Police Chief Rommel Magno, San Luis Police Chief Major Danilo Manalo Jr. at iba pang hepe ng kapulisan na nakitaan ng mahinang liderato at kabiguang pag-aksyon laban sa mga inirereklamong talamak na vice operation sa mga nabanggit na siyudad at bayan.
Pinaka talamak ang operasyon ng Small Town Lottery con jueteng o bookies na front ng kalakalan ng droga sa area of responsibility (AOR) ni LtCol. Lunar Jr. na tulad ng inooperate nina Ocampo ng Brgy. Bagbag. Si Ocampo ay nagpapatakbo ng bookies operation sa bayan ni Balete Town Mayor Wilson Maralit.
Ang pinagsamang kubransa ng drug pusher na si Ocampo sa Bagbag, Tanauan City at sa 13 barangay ng bayan ng Balete ay mahigit sa Php .6M kada bola kaya sa kada araw ay halos nasa Php 2M ang ipinarerebisa ni Ocampo sa kanyang mga poste na sina Jeff at Deo, na kapwa mga empleyado ng Balete Municipal Government Office. Ang mga rebisahan ng taya sa bookies ni Ocampo ay nasa Brgy. Bagbag, Tanauan City at mga barangay ng Malabanan, Sala, Makina, Magapi at Looc pawang sa bayan ng Balete.
Liban kay Ocampo ang iba pang drug/gambling operator sa AOR ni LtCol. Apolinar Jr. ay sina alyas Kap Mike ng Brgy. 7, Poblacion, Ms. Bagsic ng Brgy. Santor, alyas Gerry ng Brgy. Balele; Cristy ng Brgy. Suplang; Lawin ng Brgy. Pantay na Bata; Lilian at Rodel ng Brgy. Sambat; Llanto ng Brgy. Tinurik; Montilla na bukod sa pagiging bookies operator ay kapitalista din ng saklang patay sa lahat na barangay ng naturang siyudad; alyas Kon Burgos ng Brgy. Boot; alyas Ablao at Melchor ng Brgy. Darasa; alyas Gerry T. ng Brgy. Trapiche; Dexter, Lito, Berania at iba pa.
Sa hurisdiksyon ni Lipa City Mayor Eric Africa at AOR ni LtCol. Villareal ay pinaka notoryus ang drug/gambling operation ng “Big 4” na kinabibilangan nina Ana Tomboy, Gary, alyas Kap Ronald ng Brgy. Sabang, alyas Kap Randy ng Brgy. Sulok, Icaro G. at Macoy ng Poblacion.
Ang iba pang big time shabu pusher/ gambling maintainer ay sina Topher Taba, Neneng at Vilma ng Brgy. Uno, Calle Pogi, Amapola Subdivision at “bus stop”; alyas Kap Gonzales ng Brgy San Benito; alyas Kap Fonte ng Brgy. Granja; alyas Kap Boyet ng Brgy. San Lucas; Kap Lacorte ng Brgy. Sto Toribio at Saint Michael; alyas Kap August ng Brgy. 8, Poblacion; mag-asawang alyas Haije at Aiza ng Brgy. San Jose; alyas Kap Sara ng Brgy. Sampaguita; alyas Saavedra ng Brgy. Balintawak; Alyas Lorenz ng Brgy. Poblacion 4; Linda ng Brgy. Balintawak at alyas Yema ng Brgy. Pangao. Isang Ornok naman ang operator ng mga pwesto pijo na saklaan at saklang patay sa 72 barangay sa naturang siyudad.
Kabilang din sa di masugpong gambling at shabu dealer sa Lipa City ay sina alyas Kap Carling, Vie at Maliwanag ng Brgy. Bulacnin, alyas Kap Wanita at Kap Fernan na siyang komokopo ng kubransa sa 34 na barangay ng South at North District ng naturang siyudad.
Sa bayan ng Malvar pinaka notoryus ang operasyon ng bookies at droga ng isang alyas Raffy, Janog at Nestor na pinagmamalaking nakatimbre sa opisina ni Malvar Police Chief Major Ralf Dayag at Mayor Cristeta Reyes?
Ang malalaking kubransa ng mga naturang drug/gambling operator ay sa mga barangay ng Santiago kung saan may pwesto pijo na sugalan, drug den at putahan ang isang alyas Glenda, San Pioquinto, Luta Del Sur, San Pedro, Poblacion, San Juan at San Fernando.
Sa bayan ni Lemery Town Mayor Ian Alilio ang drug/gambling operator ay si Ricalde na may rebisahan din ng bookies sa bayan ng San Luis, ngunit palibhasa’y bagyo ang impluwensya sa kanilang alkalde ay di maaresto nina Lemery Police Chief LtCol. Ronnie Siriban at San Luis Police Chief Major Danilo Manalo Jr.
Ang Batangas ay pangalawa sa lalawigan na may talamak na operasyon ng STL bookies batay sa Congressional Inquiry kamakailan, kaya bilang PD ang tampulan ng paninisi ay si Col. Belmonte pa din. Hindi kayang pagtakpan ng accomplishment sa drug haul ni Alitagtag Police Chief Major Luis De Luna ang pangit na imahe at tila pagong na pagkilos ni Col. Belmonte, ayon sa mga Crame insiders. May karugtong…
***
Para sa komento: Cp. No. 09664066144