Feeling out of place… Kim bukod tanging walang dyowa sa grupo ng mga kaibigang sina Angelica at Bela
Advertisers
Ni BETH GELENA
NASA Siargao ang mga kaibigang celebrities ni Angelica Panganiban dahil sa muling pagpapakasal niya sa husband na si Gregg Homan.
Kinasal nitong Sabado, April 20 sina Angge at Gregg at ang kanilang flower girl ay ang one-year-old nilang anak na si Baby Bean.
Of course, hindi mawawala sa event ang dalawang BFF ni Angge na sina Bela Padilla at Kim Chiu.
Muling nagsama ang AngBeKi friends sa isang photo.
Makikita sina Angge at Gregg habang nasa gitna nila si Chinita Princess beside Bela at boyfriend nitong Swiss guy na si Norman Bay.
Nawindang si Kimmy dahil siya lang ang walang kapareha at feeling niya ay third wheel siya sa kanyang mga kaibigan.
Aniya sa caption: “Talaga ba?” at dinagdagan ng laughing emojis.
Komento tuloy ng mga netizens na walang kinalaman sa kasal nina Angge at Gregg:
“No Kim Chiu tomorrow at ST. Great!”
“Awww! Ang papait. She is a good person. I don’t know with you two.
And no, I’m not Kim. I am not even based in the Philippines.”
“Jusko kahit diko gsto si kim. Napaka nega mga comments na ganito. Post abt gregg and ange wedding. Ito comment. Get a life”
“ay sus sya nga ang hinahanap nyo”
“basher alert”
“Like ko si kim pero pag umeepal sya masyado sa ST nakakabwisit na. Ang ingay sobra. Puro boses nya nadidinig lalo na sa opening theme song. Oo naka mute muna.”
“this isn’t about her being a good person. THIS IS ABOUT HOSTING. No one cares if she is a good or an evil person, BUT SHE IS A BAD HOST.”
“Ewan ko sa inyo. Kami ng asawa na taga US, kapag walang Kim Chiu, tinutulog na lang namin… kung nandyan sya, puyatan kami kahit may pasok pa bukas!”
“Tigilan na nga yan walang kinalaman sa kasal nina gregg at angge ang komento ninyo, “Kamukha ni Bogito na rapper si Greg”
‘5th wheel si Kim sa 1st pic. Sinama mo sana si Atty Oliver LOL”
“Kaya Kim mag non-showbiz ka na lang din.”
“Gwapo ng bf ni bella. Mas bagay kay kim char”
“Maghanap si Kim ng Chinese businessman. Sa tingin ko talaga na dun ang swerte niya kasi Chinese din siya kaya tatanggapin agad ng magulang ng guy at baka sila din mag push sa guy na pakasalan na siya kasi succesful si Kim. Sa Chinese hindi na importante maging traditional wife ka gusto nila yung madiskarte sa buhay.”
“Si Kim lang may jowa sa kanilang tatlo dati. Ngayon nabaliktad lol”
***
BELA NAG-SORRY KAY DARREN
NAG-sorry si Bela Padilla kay Darren Espanto nang makumpleto silang magkakaibigan sa isang larawan – Angelica Panganiban, Bela Padilla at KIM Chiu na ang acronym ay AngBeKi.
Sa video ni Kim na pinost niya sa kanyang Instagram account, makikitang masaya AngBeKi dahil muli silang nagkasama.
Agad namang nag-sorry si Bela kay Darren dahil nang wala si Angge sa
picture, Darren joined in to form “DaBeKi.”
Ani Bela, “Sorry Darren.”
“Buo na kami ulit,” dagdag naman ni Kim. “Sorry Darren’s out,” patuloy pa ni Bela.
Nang wala kasi si Momsie Angge sa paligid, Darren became part of “DaBeKi.”
Ang kuhang larawan ay sa mismong pagpapakasal muli nina Angge at Gregg Homan na ginanap sa Siargao kung saan maraming celebrity friends ni Angge ang nagsidalo.
Anyway, sabi naman ng isang netizen, pwede naman daw nilang isali si Darren at tawagin na DaAngBeKi.
Pwede naman dahil bestie ni Kimmy si Darren.
Well, on that case, malamang pag-uusapan pa ng tatlo kung dapat ba nilang i-join ang aktor/singer.