Advertisers

Advertisers

Gringo ipauubaya kay Atty. Topacio ang pagpili ng aktor na gaganap sa kanyang biopic 

0 32

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

ISASAPELIKULA ng Borracho Films ni Atty. Ferdie Topacio ang life-story ng dating senador na si Gringo Honasan, na ang magiging title ay Gringo : The Greg Honasan Story.

Pero wala pang napipiling gaganap na Gringo. Ayon sa dating pulitiko, ipauubaya na lang daw niya kay Atty. Topacio ang pagpili sa gaganap na siya.



Isa si Gringo sa pinaka-colorful ang personal at political career.

Ipinaliwanag ni Atty. Topacio kung bakit niya naisipang  gawin ang makulay na buhay ni Gringo.

“Hindi po basta pulitiko. Kahit sinong pulitiko ang lumapit sa akin, kung hindi ako naniniwala sa kanya, kahit magkano pa ang ipondo niya sa pelikula, hindi po natin tatanggapin. So I really believe in the advocacy of this person. Bata pa lang ako, ay idol ko na talaga si Sen. Gringo,” sabi ni Atty. Topacio na natatawa.

Ang dating senador at Information Secretary na isang retiradong sundalo na gumanap ng mahalagang papel sa 1986 People Power Revolution na nagpatalsik sa yumaong diktador na si Ferdinand Marcos ay sumali sa senatorial slate ng anak ni now President Bongbong Marcos. Pero hindi siya nanalo at maaga siya noong nag-concede.

Naging aide-de-camp ni former senator Juan Ponce Enrile noong may batas militar, at naging miyembro ng Reform the Armed Forces Movement (RAM).



Nagtago rin siya sa ilalim ng mga administrasyon nina Cory Aquino at Gloria Macapagal-Arroyo.

Inaresto rin siya ng Constabulary matapos ang kudeta noong Agosto 1987 sa isang bahay sa Valle Verde, Pasig.

At siya ay nakulong sa isang barkong nakadaong sa Manila Bay ngunit nakatakas din sa kalaunan.

Sa barkong iyon ipinaglihi ng kanyang asawa ang kanilang ika-5 anak.

Tumakbo rin siyang Vice President noong 2016, sa ticket ni Jejomar Binay, pero pareho silang natalo.

Ilan lang ‘yan sa kumbaga ay bahagi ng buhay-pulitiko ni Gringo.

***

SA isang episode ng “It’s Showtime” ay inamin ni Vice Ganda na naka-experience na rin siya ng mga nakakalokang pagtrato mula sa kanyang toxic friends at kung paano niya ipinaglaban ang mga taong minamahal sa mga ganitong klase ng mga kaibigan

Sabi ni Vice, hinding-hindi siya papayag na laitin at maliitin ng mga kaibigan niya ang kanyang partner.

“Hindi ako magiging mabait sa iyo habang winawalanghiya mo ang asawa ko. Hindi. I will give back the same energy. Makakaasa ka. Hindi na ako ganu’n kabait,” malalim na hugot ng TV host-comedian.

Aniya pa tungkol sa boundaries na kailangang irespeto ng mga kaibigan niya, “I will protect this space. Hindi ako lalabas para sa inyo. Hindi rin kayo makakapasok. Proprotektahan ko itong espasyong ito.”