Advertisers

Advertisers

OLYMPIC GOLD NI OBIENA LUMABO NA?

0 4

Advertisers

HETO ang latest sa pinakamalaking balakid ni Pinoy bet EJ Obiena para sa ginto ng pole vault event na si reigning champion Mondo Duplantis ng Sweden.

Muli niyang ( Mondo) sinira ang kanyang rekord na 6.23 nang iposte niya ang 6.24 sa mundial na torneo sa China.

Ang ating pambatong si Asian Games gold medalist at world #2 na si Obiena ay hanggang flat 6 pa lang ang kanyang pinaka-mataas na naitala sa kumpetisyong mundial kaya doble kayod ang ating bayani upang maabot o lagpasan ang bagong record.



Pag-asa na lang natin ay ang milagro o kaya’y ma-injure( huwag naman)ang Swedish hero bago ang Paris Olympics sa Hulyo.

Ang naitalang bagong record na iyon ay huwag sanang magpahina sa dibdib ng ating si Obiena kundi ay ituring mas malaking hamon upang makamit ang pangarap sa tamang panahon.

Di naman malayo ang 6.00 sa 6.24 kaya go for gold lang EJ Obiena.. ABANGAN! ****************** MEDICAL EXAMINATION FREE NI KONSI APIONG SA SENIOR CITIZENS NG PARAÑAQUE CITY

Lumarga kamakalawa ang espesyal na proyekto ni Parañaque City District 2 Councilor Raffy ‘Apiong’ De La Peña na ANNUAL MEDICAL EXAMINATION ni KONSI APIONG para sa mga minamahal niyang Senior Citizen na isinagawa sa lugar ng Fr. Simplificiano Academy, Inc. Malacañang Dulo, Brgy. Don Bosco.

“Nakagagalak na tayo ay muling naipagpatuloy ang pangangalaga ng kalusugan kung saan ang ospital mismo ang ating ibinaba sa Komunidad at isinagawa ng ‘libre’ ang iba’t ibang laboratoryo.



Ibinahagi ni Konsi Apiong katuwang ang kanyang mga kaagapay at kasama pa rin sa tuwina ang TGP Partylist sa pamumuno ni Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves, Jr..

“Lubos ang ating pasasalamat sa School Principal na si Sister Edwina Fajardo sa pagpapaunlak na maipagamit muli ang kanilang pasilidad” .

“Abangan sa ating page book ang mga schedule para sa susunod nating misyon.”

#serbisyongbaliksataoniApiong
#raffyapiongdelapena
#teamapiong