Advertisers

Advertisers

Rower Delgaco swak sa Paris Olympics

0 2

Advertisers

SI Joanie Delgaco ang naging unang Filipina rower na kwalipikado sa lahat ng Olympics matapos makamit ang fourth sa 2024 Asia Oceana Qualification Tournament Linggo sa South Korea para ibulsa ang Paris Games ticket.

Ang 26-year – old rower ay may oras na seven minutes at 49.39 seconds para e-book ang Olympics ticket sa women’s singles sculls sa likuran ni Anna Prakaten ng Uzbeskistan na nagrehistro ng seven minutes at 31.28 seconds.

Shijo Yonekawa ng Japan ang umangkin ng silver sa tiyempong seven minutes at 35.93 seconds habang si Fatemeh Mojallal Topraghghale ng Iran ang bronze sa oras na seven minutes at 37.07 seconds.



Si Delgado ang naging huling kinatawan ng Filipino sa quadrennial event matapos nina after EJ Obiena, Carlos Yulo, Aleah Finnegan, Levi Ruivivar, Eumir Marcial, Nesthy Petecio, Aira Villegas, John Ceniza, Elreen Ando, at Vanessa Sarno

Weightlifter Rosegie Ramos nakaipon ng kinakailangan na puntos sa qualifiers pero hinihintay pa ang official announcement mula sa International Weightlifting Federation.