Advertisers

Advertisers

Teejay insekyur sa ganda ng mga katawan ng co-stars sa movie  

0 13

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

MASAYA ang naging bonding ni Teejay Marquez sa kanyang “G! LU!” co-stars na sina  David Licauco, Enzo Pineda, Kiko Estrada, Derrick Monasterio at Ruru Madrid.
Katunayan, dahil summer ang feels ng movie, pabortahan daw sila sa pagdi-display ng abs.

Ayon pa sa aktor sa panayam na ginanap sa KAO Manila, Newport World Resorts, may mga pagkakataon daw na na-insecure siya sa mga katawang pang-romansa ng mga barako niyang co-stars.
“Feeling ko kasi, ang ganda-ganda na ng katawan ko, dahil araw-araw akong nagwu-workout. Pero pagdating ko sa set, mai-insecure ka talaga, kasi kahit sila na ang gaganda na ng katawan, nai-insecure rin,” bungad ni Teejay.“



Like pag sinabihan mo na ang ganda ng katawan mo ngayon, hindi na sila kakain. Nagsisilipan talaga ng katawan sa set,” pahabol niya.
Kaya naging challenge na raw sa tropa ang pagpapaganda ng katawan while doing their summer barkada movie.

“Paggising sa umaga, ‘pag sinabi mo na, ‘Bro medyo pumayat ka’. Tatakbo na agad sa gym, magpapalaki na agad,” ani Teejay.
Gayunpaman, naging inspirasyon daw naman sa kanya ang pagiging health conscious at fitness buff ng mga kasamahan

“In terms of katawan, lahat sila na-insecure ako. Ang feeling ko, kahit na ang ganda ng katawan ko, kailangan ko pa ring mag-workout,” bulalas niya. “Pero healthy competition naman `yon, na kailangan mo talagang alagaan ang katawan mo. Kasi noong time na sinu-shoot namin ‘yan, lahat talaga gustong ipakita ang best version nila. At masaya naman na nakaka-inspire kami sa isa’t isa,” dugtong niya.

Ang pelikula  ay isang coming-of-age tungkol sa kuwento ng anim na magkakaibigan na miyembro ng VBC (Valley Boys Club) na nagbakasyon sa La Union na nahaharap sa iba’t ibang pagsubok ng buhay sa kanilang barkada at mga pamilya.

Bukod sa isang nakaaaliw na barkada movie, layunin din nitong imulat ang mga manonood hinggil sa environmental awareness at ecotourism promotion.



Sa pakikipagtulungan ng Benchingko Film at Rein Entertainment, tampok din sa summer barkada movie ng taon sina Pinky Amador, Michelle Dee, Katarina Rodriguez, Chanel Morales,  Maureen Montagne, Sophia Senoron, Kimi Mugford, Ali Forbes, Carl Guevara, Ken Anderson, Denver Hernandez at marami pang iba.

Mula sa direksyon ni Phillip King, palabas na ang pelikula sa mga sinehan simula sa Abril 24.