Advertisers
NASUNGKIT ni Carlos Yulo ng Pilipinas ang gintong medalya Sabado sa International Gymnastics Federation World Cup sa Doha,Qatar.
Nagtagumpay ang 24-year-old Yulo sa men’s parallel bars final sa iniskor na 15.200, para mapatalsik ang Chinese Tailei Hung Yuan-Hsis’s 14.966 at Brazillian Caio Souza’s 14.566.
Sa umaga, nakuha nya ang silver sa vault event sa iskor na 15.066, sa likuran ni Armenian Artur Davtyan (15.166.
Naangkin rin ng Pilipinas sa tournament ang 10th Paris Olympian at third gymnast ni levi Jung-Ruivivar.
Sinilyuhan ng 17-year-old ang kanyang slot matapos ang silver medal finish sa uneven bars para sumama kay Yulo at Aleah Finnegan sa Hulyo 26 hanggang Agosto 11 Summer Games.
Sinabi ng international gymnastics federation 318 gymnast ang sasabak para sa 54 medals sa Paris — 192 artistic, 94 rhythmic and 32 trampoline.
Ang pitong iba pang Filipino Olympians sa ngayon ay sina Ernest John Obiena, athletics – pole vault; Eumir Marcial, Aira Villegas at Nesthy Petecio, boxing; at John Ceniza, Elreen Ann Ando at Vanessa Sarno, weightlifting.