Advertisers

Advertisers

Greta game na sa pagtakbong kongresista ng Maynila sa suporta ni Atong

0 15

Advertisers

Ni JIMI C. ESCALA

WE heard from a source na malaki raw ang posibilidad na pasukin ng aktres na ni Gretchen Barretto ang mundo ng pulitika ngayong 2025 elections?

Tatakbong kongresista sa isa sa distrito ng Maynila si Gretchen. At ang magpapatakbo siyempre ay no less than ang kilalang negosyante na si Atong Ang, huh!



Kinumpirma rin naman ito ng isang taga showbiz na malapit din sa nabanggit na negosyante.

Dagdag pa ng source na nagkaroon daw ng hidwaan at ang incumbent congressman at medyo nahihirapan daw ang mga alipores ni Atong na makapasok sa distrito ng kasalukuyang kongresista.

Kaya kinausap daw ng negosyante si Gretchen na labanan ang incumbent congressman.

Hindi raw naman nahirapang kumbinsihin si Gretchen dahil pangarap na rin nito noon pa na maging isang pulitiko, huh!

Pero congress umano ang target ni Gretchen sa ngayon.



At ngayon pa lang ay super excited na umano si La Greta na mangampanya, huh

Hindi na shocking kung kakandidato man si La Greta.

Matandaang  tinawag siyang ‘santa ng mga ayuda’ dahil sa ginawa niyang pag-aayuda sa maraming taga-showbiz noong kasagsagan ng pandemic.

Saku-sakong bigas din ang ipinamudmud ni Gretchen na şinundan pa ng mga love boxes, huh!

Pati ang mga health workers ng ilang government hospitals ay nakatikim din ng pa-ayuda ni Gretchen, huh!

***

PATI pala ang kilalang award winning Kapamilya director na si Direk Cathy Garcia-Sampana ay hindi raw nakaligtas sa kaliwa’t kanang patutsada matapos nitong dumalo sa birthday party ni Daniel Padilla, huh!

Sa programa ni Nay Cristy Fermin “Cristy Ferminute” ay ibinalita ng  host ang himutok umano ng fans ni Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo sa pagdalo ng nasabing direktor sa birthday party ng ex nito.

Banggit ng mga tagahanga ni Kathryn ay nagsalita raw  si Direk Cathy na parang mas kampi siya kay Daniel dahil nagpunta doon sa birthday party, huh!

Kapansın pansin daw kasi na dumalo si Direk Cathy sa birthday party ni Daniel pero hindi man lang sumilip sa kaarawan ni Kathryn, huh!

Ipinagtanggol naman ni Nay Cristy si Direk Cathy laban sa mga batikos na natatanggap nito.

“Hindi ako naniniwala na sasabihin niya na mas kampi siya kay Daniel. […] Huwag tayong bumili ng kakampi. Huwag tayong humamig ng kakampi sa atin. Ang naghiwalay, si Daniel at si Kathryn. Ano namang kinalaman ng ibang tao do’n?” sey pa ni Nay Cristy.

“Ipagpalagay na nating nagpunta si Direk Cathy Sampana sa birthday ni Daniel Padilla. Bakit? Wala ba siyang karapatan? Naging artista niya si Daniel,” dugtong pa rin ni Nay Cristy.