Advertisers

Advertisers

JK ikinampanya ang ‘dyowa’ na si Ms. Cavite sa Miss U 2024

0 6

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

MAUGONG ang balita na nalil-link umano si JK Labajo sa isang konteserang beauty aspirant.

Lalo pang pinaigting ang mga alingasngas sa kanyang post sa kanyang Meta account kung saan inengganyo niya ang kanyang followers na iboto si Ms. Cavite na kandidato sa Miss Universe Philippines 2024.



May kalakip ding mga litrato ni Dia Mate ang kanyang post.

Caption niya: “heya it’s me please vote for the beautiful bebe Ms Cavite through the MUPH app thank you

Inurot naman ng kanyang followers si JK na ikinampanya rin noon ang ex niyang si Maureen Wroblewitz  na maisama sa top 75 sa Miss Universe Philippines online poll noong 2021.

Sey pa ni JK: “haha déjà vu”

Hindi naman tinantanan ng pangangantiyaw si JK na baka maulit ang kapalaran ng puso nito sa beauty queen na sinuportahan nito ngayon.



Ito ang ilan sa kanilang mga reaksyon.

juan karlos my thoughts, exactly!”

juan karlos HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA THERE’S A TIME THAT I REMEMBER~”

juan karlos *biglang nag-walling sabay iyak dahil naalala ang nakaraan*”

“pretty morena ung jowa mo po. Type mo talaga ung mga beauty queen look ha. ”

“iyak ako nito”

“oo tiii, naaalala din namin. Parang naulit nga!HAHAHAHA”

“yayay nasad ang heart”

“trauma malala yan garr”

“Ito nanaman po sya sa pag hingi ng vote, iiwan kadin nyan!!”

“ingat baka mawala ulet HAHAAHHA”

“dadali ka nanaman, parang kay ano lang dati.”

“glimpse of us hahahahahaha”

“Ka sweet ni JK oi..  supportive boyfriend man! Basta Bisaya lge sweet lover!! Gwapaha ni Miss Cavite oi! ”

Si JK ay malapit nang mapanood sa “High Street”, ang sequel ng matagumpay na Kapamilya seryeng “Senior High” na pinagbibidahan nina Andrea Brillantes, Zaijan Jaranilla, Miggy Jimenez, Xyriel Manabat, Elijah Canlas, Daniel Stranner, Tommy Alejandrino, Gela Atayde, Angel Aquino, Mon Confiado, Dimples Romana, Ana Abad Santos, Art Acuna, Angeli Bayani, Gerald Madrid at iba pa.

Karagdagang miyembro naman sa cast sina Harvey Bautista, AC Bonifacio at Ralph de Leon.