Advertisers

Advertisers

Kung maraming naghihiwalay…Juday pinagmamalaki na 15 years nang kasal kay Ryan

0 14

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

HINDI na nagpaliguy ligoy pa si Heaven Peralejo at inamin nito ang di niya malilimutan na ginawa sa kanya ni Marco Gallo.

Tandang tanda at tumatak na sa kanyang isip ang pinaggagawa ni Marco sa kanya na na-appreciate niya.



Una nga raw sa kanilang shoot isang gabi ay ang ginaw.

Ginawa raw ni Marco ay binigay nito ang kanyang blanket para di siya ginawin kahit siya ay hubad na.

Pangalawa naman ay sa sinehan na di nito sukat akalain na gagawin niya yun.

Binigyan lang naman niya ng coffee si Heaven at may nakasulat pa dito na “For my Tita Babes.”

At ang pangatlo ay ang pagpapakain ni Marco kay Heaven ng pasta.



***

IBINIDA ni Judy Ann Santos sa kanyang IG ang pagmamahalan nila ng TV Host at mister na si Ryan Agoncillo.

Sa ibinahagi nito ay nag-post din si Juday ng kanilang black and white na photo habang magkayakap at nagtatawanan.

Taong 2009 nang ikasal sina Juday at Ryan at may tatlo na silang anak, sina Yohan, Lucho at Luna.

Ipinadama ni Juday ang kanyang labis na pagmamahal sa mister.

Sey pa ni Juday na nagdiwang ng 15th wedding anniv nito lang April 28 taong kasalukuyan.

Maraming kaibigan sa showbiz ang bumati sa mag-asawang Juday at Ryan sa kanilang married life.

Kahit mga netizen ay na inspired sa very strong at healthy relationship nina Juday at Ryan

Well, well, well..’Yun na!