Advertisers

Advertisers

Sunshine iginiit na 47 na kaya ayaw na pag-usapan ang lovelife; Kathryn at Alden bagay gumanap sa Pinoy version ng K-drama hit ‘Queen of Tears’

0 17

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

KUNG okey lang kay Sunshine Cruz noon na mapag-usapan ang kanyang lovelife, this time, gusto niyang  magkaroon na ng privacy pagdating sa usaping pag-ibig.

Sa isang interview nga kay Sunshine nang usisain siya kung may bago na ba siyang dini-date, ang sagot niya”I don’t really want to talk about it. So balato ninyo na lang sa akin, I’m turning 47. Mga anak na lang pagkuwentuhan natin.”



Nang may magtanong uli ay iginiit niyang ayaw niyang pag-usapan dahil paliwanag nga niya ay, “Hindi naman kami teenager para pag-usapan and magulo lang… magulo. “So whatever I have and what I don’t have, I’d rather keep it private na lang pagdating sa love and personal life.”

Anyway, hindi naman nakagugulat kung may manligaw uli kay Sunshine dahil mukha siyang mas bata sa kanyang edad, sa totoo lang naman. Hindi mo iisipin na magpo-47 na siya ha!

***

PINAG-UUSAPAN  ngayon lalo na sa social media ang K-Drama na Queen of Tears. Ang dami talagang nahu-hook dito, at marami rin sa mga celebrities ang sumubaybay rito.

Isa na si Gelli de Belen na napa-status na, “Hay, this show. I have no words, just emotions. All sorts of emotions.”



At dahil nga sobrang nag-hit ang Queen of Tears at in fact, noong April 28, nagtala ng nationwide rating na 24.850% sa South Korea, at itinanghal na highest-rated tv series.

Kinabog nito ang record ng Crash Landing on You.

So heto na ang mga Pinoy at nag-iisip na o naghahanap ng mga local stars na puwedeng gumanap bilang si Hae-in na ginampanan ni Kim Ji Won at ni Hyun-woo na ginampanan naman ng highest paid actor in Korea na si Kim Soo Hyun.

At ang pinakamaraming boto sa poll, gayundin sa mga comment ng mga netizen ay sina Kathryn Bernardo at Alden Richards ang gusto ng mga netizen na mag-adapt nito sa PH version.

Dahil nga lang sa tagumpay ng Queen of Tears, kaya ito naiisip na sana magkaroon din ng Pinoy version, pero as of presstime, wala pang ganyang talks or kung magkaroon man, wala pa namang nakakakuha ng rights.

Malaking bentahe nga lang kina Kathryn at Alden na kahit ang sequel ng Hello, Love, Goodbye ang nakatakda nilang gawin, e, sila pa rin ang napipisil ng netizens.

Well, bagay nga kina Alden at Kathryn na magbida sa Queen of Tears. Sana ay mag-collab uli ang GMA at ABS-CBN at gawin nila ang Pinoy version nito  At sina Alden at Kathryn nga ang gawin nilang mga bida.