Advertisers

Advertisers

Wala raw selos factor…Gerald excited sa balik-tambalan nina Julia at Joshua

0 9

Advertisers

Ni BETH GELENA

GUEST sa Fast Talk With Boy Abunda si Bobot Mortiz kamakailan.

Sa tsikahan nila ng King of Talk na si Boy Abunda, nabanggit ni Direk Bobot na dream niyang pagsamahin at idirek sa isang project sina Michael V, Bossing Vic Sotto, Vice Ganda at Vhong Navarro.



Kung hindi man daw mapagsama ang limang nabanggit, sana naman daw ay makatrabaho niya ang mga ito sa mga proyekto niyang darating.

Isinama rin ni direk Bobot si Iggy Boy Flores na produkto ng kiddie gag show na “Goin’ Bulilit” na siya ang direktor ng mahabang taon.

Naniniwala siyang mahusay na comedian actor si Igi Boy, malaking break lang daw ang kailangan nito.

Hindi sa pagbubuhat ng sariling bangko, nabanggit ni direk Bobot

na magaling din siyang magpatawa na hindi OA.



Bukod sa pagdidirek, nabanggit din ng dating ka-loveteam ni Ate Vi na bumalik na siya sa pagkanta.

Kalalabas lang ng kanyang album na Goin Standard kung saan prinomote na niya ito sa ASAP Natin ‘To.

***

NAKUHANAN ng pahayag si Gerald Anderson hinggil sa pagbabalik-tambalan ng mag-ex na sina Julia Barretto at Joshua Garcia.

Si Gerald ang current boyfriend ng actress na naging masalimuot sa panig ng actor dahil sa ghosting isyu niya kay Bea Alonzo because of Julia.

Sa parte naman ni Joshua, pinaubaya na niya ang actress sa taong makapagpapaligaya sa dating girlfriend.

Katunayan, sila ang nasa music video noon ni Moira Dela Torre sa song nitong Paubaya. Ilang taon na rin naman ang lumipas at ang mga sugatan nilang puso ay naghilom na.

Masaya na rin si Joshua sa girlfriend niyang Pinay-French golfer na si Emilienne Vigier though hindi pa naman totally ipinakikilala ng actor sa showbiz si girl.

Anyway, ayon kay Gerald, excited siya sa muling pagsasama ng

JoshLia sa isang pelikula.

Tanong sa actor kung ano ang feeling niya sa pagbabalik tambalan ng JoshLia?

Ani Gerald: “it’s exciting…Exciting kasi alam mo na marami silang mapapasayang fans nila.

“After this teleserye sana for Joshua and Julia balik tambalan. They look so hot together. Would it be nice if it’s Dyesebel. Since Gerald did Dyesebel too lol”

“I want another I AM U sobrang bitin ako doon.”

“Maganda un kwento nun and okay naman acting nilang lahat dun. Panget lang title kaya di masyadong napagusapan”

Sey naman ng isang commenter sa reaksyon ni Gerald, “open minded yan siempre alam nya kalakaran sa showbiz”

“see, joshua was never a competition. alam ni gerald na LT at showbiz lang ang meron si Julia and Joshua and nothing else.”

“Correction, alam sa showbiz kung sino ang reel lang. Best ex. ang Joshlia.”

“admitted ni Julia naging sila watch Toni G’s interview”

***

ANGELI SINASAWSAW SA BEA-DOM BREAK UP

PINABULAANAN ni Angeli Khang na involved siya sa breakup nina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Sa Updated With Nelson Canlas, dinenay ng actress na siya ang dahilan kung bakit naghiwalay sina Bea at Dom.

Ani Angeli, “Fake news po, fake news siya.”

Dagdag pa niya, never pa niyang nakatrabaho sino man sa dalawa and hopes to work with them soon.

Hindi rin daw sila personal na magkakilala ni Dominic.

“Tingin sa akin ng mga tao pag lumalabas ako na taray na taray talaga sa akin, parang ako talaga yung reason ng breakup nila. Gusto kong mag-explain sa kanila, wait hindi po, hindi po kami magkakilala,” saad ni Khang.

Pag-amin pa niya, mula raw nang na-link ang name niya sa Bea-Dom break up ay ang dami nang galit sa kanya.

“Every time po na lumalabas ako, nakikita ko ‘yung mga tingin sa ‘kin ng mga tao na parang hate na hate nila ako. Kaya nung time na ‘yun hindi muna ako lumabas ng one week. Hindi muna ako nagpakita sa lahat,” wika niya.

Komento ng netizens:

“Ang OA hindi naman siya kilala at walang famous vlogger na sinasabi na siya ang dahilan. Ano ba yan”

“Naku teh di mo cya kilala pero magtanong ka sa mga kalalakihan napaka famous nyan si Angeli”

“Maganda naman si Angeli Khang. Palaban pa hehe”

“ang kalalakihan ba galit sa kanya parang malabo. OA nitong girl nato na galit daw ang mga tao sa kanya eme.’

“bagsak naman comprehension mo acclah ! Famous sa kalalakihan kasi pinagpapantasyahan cya!”

“ang issue dito ay sinasabi niya na parang hate siya ng tao. Kung kilala mo mas madami hindi siya kilala at hindi siya naiissue dun sa mga credible sources para i-hate siya. OA siya”

“Parang wala naman talagang ganyang chismis haha. Gawa lang ng promo team yan ngayon lang sa black rider.”