Advertisers
Lydia de Vega, Elma Muros, Isidro del Prado, Hector Begeo, Christine Jacob at Akiko Thompson. Produkto sila lahat ng Project Gintong Alay na punangunahan ni Michesl Keon.
Nagumpusa ito Octubre 1979 sa pamamagitan ng utos ng Pangulong Marcos at nagtapos nang na-exile qng unng panilya sa Hawaii taong 1986.
“ Nagawa ko ang programa dahil suportado ako ng aking mahal na tiyuhin,” wika ni Keon na anak ng kapatid ni Macoy.
Si Keon ay isa ring atleta. Naglaro ng baseball at bihasa sa track and field.
“ Nag set-up kami ng training camp sa Baguio at nakuha kong coach ang Olympian na si Tony Benson, “ kwento ng hepe ng Gintong Alay.
“Nagtiyaga tayong hubugin ang mga lokal na manlalaro kasi ayaw ko ng mga Fil-fors,” kwento ni Keon na espesyal na bisita natin noon Lunes sa OKS@DWBL
Nabanggit din ni Keon na mayor ng Laoag ngayon na nasayang ang karera ni Lydia sa athletics dahil hindi siya nag-focus sa long-distance running. Mangyari ay nanatili ang Bulakeña sa 100 meter o short distance.
Masaya rin niyang ibinalita na kampeon ang kanilang lungsod sa katatapos na Region 1 annual competition.
Isinusulat na ang kasaysayan ng Gintong Alay sa isang libro. Ang napili niyang may akda ay si Noel Albano na siya ring author ng When We Were Champions na aklat.
***
Walang isang tao ang dapat sisihin sa maagang bakasyon ng Lakers sa NBA..
Hindi si Coach Ham, o si LeBron Janes o si D’Angelo Russell o sino pa man na individual.
Una yung line-up hindi naman talaga nag- level up. Sa point guard ay nawala si Dennis Schroder pero ang humalilli na si Gabe Vincent ilang game lang nakalaro dahil sa injury.
Sa center ay kulang pa si Jaxson Hayes at nagkapilay din si Christian Wood.
Yung mga defensive demon nilang sina Jared Vanderbilt at Cam Reddish may mga ininda ring mga injury. Kulang sa piyesa talaga.
Pangalawa. Nag-improve ang mga kalaban pero sila hindi masyado. Naiwan.
***
Ang kanilang ka- Los Angeles na Clippers ay bakasyunan na rin. Yung mga meme nga ay kasama ni LeBron sina James Harden, Kawhi Leonard at Paul George sa Boracay ngayon para sa maagang holiday. Ay ilista mo rin pala si Russell Westbrook diyan.
Aging superstar na yung apat at malaki pa suweldo ng tatlo.
Oras na para buwagin ang core ng koponan habang may mga papayag pang mga prangkisa na maki-trade sa kanila.