Advertisers
PATULOY ang pamamayagpag ng Arellano University pinitas ang Final Four ticket matapos maungusan ang upset-seeking Emilio Aguinaldo College,24-26,25-17,25-20, sa NCAA Season 99 women’s volleyball tournament Biyernes sa Filoil Centre sa San Juan City.
Pinamunuan ni Pauline De Guzman ang opensiba ng Lady Chiefs sa iniskor na team-high 17 points habang si Laika Tudlasan nagdagdag ng 15 markers na umangat sa 5-3 para sa solo fourth spot.
Almazan at Razonable pinamunuan ang EAC sa kinamadang 19 points habang si Omapas bumakas ng eight na nabaon sa 0-8 loss at nanganganib na tapusin ang season na winless.
Tatapusin ng Arellano ang kanilang elimination round bid Sa Martes laban sa JRU habang ang EAC makakaharap ang Perpetual sa Linggo.