Advertisers

Advertisers

Babaeng galing sa paresan ni Diwata, 2 linggo ‘missing’

0 12

Advertisers

Pinaghahanap ng kapulisan ang isang babaeng taga-Taytay, Rizal na dalawang linggo nang nawawala nang pumunta sa viral paresan ni Diwata sa Pasay City.

Ayon sa ulat, huling nakita ang biktimang si Dina Ancheta, 36, ng kanyang ate noong Abril 16 bandang 11:25 ng gabi.

Isang hindi pa nakikilalang lalaki ang kasama umanong umalis ng bahay ng biktima sakay ng kanyang Toyota Vios Sedan upang makipagkita sa isang lalaki na nakilala nito sa Facebook.



Sinabi umano ni Ancheta sa kanyang kapatid, na plano nila ng kasama niyang lalaki na pumunta sa viral paresan ni Diwata, na ang tunay na pangalan ay Deo Balbuena.

Bandang 12:27 ng tanghali naman kinabukasan, tinawagan ng kanyang ate si Ancheta, kung saan sinabi ng huli na nakapila sila sa paresan ni Diwata sa kahabaan ng Diokno Boulevard para kumain.

Kalaunan, sinabi ni Ancheta sa kanyang kapatid na uuwi na lang siya dahil ang haba ng pila sa paresan.

Iyon daw ang huling beses na nakausap niya si Ancheta. Hindi pa ito umuuwi sa kanilang bahay at hindi na makontak sa kanyang cellphone.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">