Advertisers
Arestado ang isang Grade 11 student nang pagsamantalahan ang Grade 8 sa bahay ng biktima sa Paco, Maynila.
Nasa kustodiya ng Manila Police Dustrict-Police Station 9, ang suspek na si Allan, residente sa nasabi rin lugar.
Inireklamo ang suspek ng biktimang si Aida, 13-anyos.
Sa reklamo ng biktima sa Arellano Police Community Precinct, kasama umano ng biktima ang suspek at pito pa nilang kaibigan na kapwa menor de edad na nag-inuman sa bahay ng biktima.
Nang malasing, ipinasya ng biktima na matulog na, at 10:00 ng gabi naramdaman nitong masakit ang kanyang ari at nakita niya na nakababa na ang kanyang short at nakaibabaw ang suspek.
Bagama’t itinulak ng biktima ang suspek hindi ito kinaya ng kanyang lakas at tuluyang nailugso ng suspek ang kanyang puri.
Isinumbong ng biktima sa ina ang sinapit na siyang nagsama sa kanya sa istasyon ng pulisya.
Alas-12:30 ng madaling araw nang madakip ang suspek sa kanilang bahay.
Nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 11648 (Statutory Rape) at R.A. 7610 (Child Abuse) sa Manila Prosecutors Office ang suspek.(Jocelyn Domenden)