Advertisers

Advertisers

3 American pedophiles hindi pinapasok sa ‘Pinas ng BI

0 10

Advertisers

IPINAHAYAG ng Bureau of Immigration (BI) na tatlo pang American nationals ang hinarang at hindi pinapasok sa Pilipinas dahil sa kanilang record bilang mga convicted sex offenders.

Sa isang pahayag ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang dalawang umanoy pedophiles ay naharang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) habang ang isa naman ay dumating sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA).

Sinabi ni Tansingco na ang tatlo ay hindi pinapasok ng bansa at muling pinasakay sa next available flight pabalik sa kanilang pinagmulan.



Sa ilalim ng Philippine Immigration Act, ang mga dayuhan na nahatulan sa kasong may kaugnayan sa moral turpitude ay subject sa immediate exclusion pagdating agad nila sa kahit na anong ports of entry ng bansa.

Naharang sa NAIA terminal 1 noong April 25 ang 81-anyos na si David Earl Uland na dumating sakay ng Eva Air flight mula Taipei.

Si Uland ay napaulat na nahatulan ng US court noong 1999 sa pangmomolestya ng menor de edad.

Noon namang May 1, isang pasahero na nagngangalang Peter John Cruz, 64, ay tinanggihang papasukin sa NAIA terminal 3 matapos na dumating sakay ng United Airlines flight mula sa Guam.

Si Cruz ay dalawang beses nahatulan noong November 1992 ng korte sa Guam dahil kasong criminal sexual misconduct in the first and second degrees kung saan ang biktima niya ay 14-anyos na babae.



Naharang naman sa Mactan airport noong May 3 ang 56-anyos na si Clarence Paul Nique, na dumating mula Taipei sakay ng Eva Air.

Noong 2014 si Nique diumano at nahatulan sa Michigan dahil sa criminal sexual conduct in the second degree kung saan ang biktima niya ay 7-anyos na bata.

Dahil sa pagkakaharang ng tatlong American nationals na makapasok ng bansa, sila ay isasama na sa immigration blacklist at habambuhay ng hindi makakapasok ng Pilipinas. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)