Advertisers

Advertisers

AKTRES NA SI MARICEL SORIANO,DUMALO KAYA SA HEARING SA SENADO?

0 15

Advertisers

DUMALO kaya ang kontrobersiyal na aktres na si MARICEL SORIANO sa hearing ngayon sa Senado ng komite ni Senator Ronald ” Bato” Dela Rosa?

Nagkaroon ng ikalawang pagdinig ang PDEA Leaks na tinalakay ng komite ni Dela Rosa makaraang magkaroon ng mas maraming katanungan kesa kasagutan ang isinagawang Senate hearing.

Inaasahan ding lalahok na rin ang iba pang miyembro ng komite ni Dela Rosa gaya nina Senador Jinggoy Estrada,Bong Go at Francis Tolentino.



Nagmukhang ” ulilang cowboy” si Bato Dela Rosa makaraang mag- isang hinarap at pinamahalaan ang kontrobersiyal na pagdinig ng kanyang komite.

Inaasahan din na tutukuyin at matapang na tatalakayin ni Dela Rosa kung sinu- sino sa mga opisyal ng Marcos government ang nag-exert ng effort para pigilin ang nasabing Senate hearing.

Samantala, ayon sa mga netizens dapat pagkalooban ng seguridad ng Senado ang ex- PDEA agent na si Jonathan Morales makaraang aminin ni Sen.Bato sa mga media interviews na naniniwala siya na “authentic” at hindi peke ang kinukuwestiyong mga dokumentong nagsasabit sa aktres na si Soriano at sa noo’y Senador Bongbong Marcos sa cocaine use.

Marami ang naniniwala na nasa panganib ang buhay ni Morales sa tindi ng kanyang isinisiwalat sa pagdinig ng Senado.

Sakaling matuloy nga ang hearing ngayon sa Senado at dumating ang sinasabing informant ni Morales,magiging malaking collaborative statement ito laban sa nakaupong Presidente ng bansa.



Hindi naman ma- speculate kung ano ang posibleng maging pahayag o pasabog ni MARICEL SORIANO na lantarang sumuporta naman noong 2022 presidential elections sa mortal na kalaban ni Marcos na si Leni Robredo.

On the other hand,di lamang sa pagdinig ng komite ni Bato Dela Rosa dapat maging abala ang mga “damage control guys” ni PBBM kundi sa pag-monitor sa hidden sentiments ng mga opisyales at miyembro ng kasundaluhan at kapulisan dahil marami sa mga ito ang naniniwala na isa itong seryosong isyu na dapat resolbahin sa halip na pagtakpan bilang “destab efforts” lamang kuno ng oposisyon.

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com