Advertisers
Patay ang rider at backride nito nang bumangga ang kanilang motorsiklo sa trailer truck sa Tondo, Maynila nitong Lunes ng madaling araw.
Sakay ng Yamaha Sniper ang rider na si Richard E.Rivera at back ride nitong lalaki na patuloy pang inaalam ng awtoridad ang pagkakilanlan.
Sa imbestigasyon ng Manila Traffic Enforcement Unit, nangyari ang insidente 12:20 ng madaling araw sa kahabaan ng northbound lane ng Mel Lopez Blvd, kanto ng Jacinto Street, Vitas, Tondo.
Bago ang insidente, binabagtas ng tractor head na may trailer at plaka na NGL 7164 at minamaneho ng isang alias Wakray ang northward ng Mel Lopez Blvd nang pagsapit sa kanto ng Jacinto St.,bumagal ang takbo o usad ng truck upang bigyan daan ang isang pedestrian na tumatawid sa kanyang harapan. nang biglang bumangga ang rider sa kanang harapan bahagi ng truck.
Dahil sa malakas na impact, tumilapon ang rider at back ride nito na nagresulta ng agaran nilang pagkamatay.
Dinala sa VBL funeral ang mga biktima para sa safekeeping habang nasa kustodiya na ng traffic bureau ang driver ng truck. (Jocelyn Domenden)