Advertisers

Advertisers

NDF TALAGANG PASIMUNO NG KAGULUHAN

0 14

Advertisers

NOONG nakaraang linggo inilantad ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF ELCAC) Executive Director at Undersecretary Ernesto Torres Jr. nitong Martes na tanging ang National Democratic Front (NDF) ang talagang taga-hasik ng lagim sa listahan ng mga terorista sa bansa.

“Kung terrorist grooming ang pag-uusapan, nasa umbrella ng isang designated ng isang terrorist group ng ating Anti-Terrorism Act yung pinakamalaking terrorist groomer dito sa ating bansa, and I’m referring to the NDFP,” ang paglalantad ni Usec Torres sa virtual press conference ng NTF-ELCAC.

“Terror-grooming” ang ginamit ni Torres, dahil talaga namang ang NDF ang pasimuno ng kaguluhan dito sa bansa. Parang regalo nga rin ng NTF-ELCAC ang pagbubunyag na ito nila Torres dahil anibersaryo ng NDF noong linggong iyon.



“Even in their constitution, 2016, yung pinaka-most recent constitution ng CPP NPA under article 10, It shows there that the NDFP being an integrated inseparable part of the CPP NPA is the core and most consolidated group that provides support to the armed and organizational expansion of the CPP,” dagdag pa ni Torres.

Ibig sabihin, sa NDF nanggagaling ang diskarte kung paano guguluhin ang Pinas para maagaw nila ang pamamahala.

Ang pagsisiwalat na ito ay matapos ang pagkamatay ni Kaliska Dominica Peralta, kilala bilang Ka Recca, na naoaslang sa isang enkwentro. Ito, ayon kay Torres ay nagpapakita ng patagong pamamaraan ng NDF nang marecruit si Peralta ng front organization ng mga rebelde habang nag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas.

Sinabi ni Torres na nakakabahala ang diskarteng ito ng NDFP na saktong nagdidiwang ng ika-51 taon ngayong Abril 24, mula nang maitatag ito noong 1973.

Ang NDFP aniya ang nagkukumpas mula noon ng mga strikes, student boycotts, at mga protesta para madestabilisa ang pamahalaan.



“These duplicitous organizations thrive on the suffering of the Filipino people, deceiving innocent individuals to join their corrupted cause and needlessly perish for it,” ang paliwanag pa ni Torres.

Hindi na raw mapapayagan ng pamahalaan na magpatuloy pa ang panlilinlang na ito ng NDFP na tumatayong ulo ng mga komunistang-teroristang Communists Party of the Philippines- New People’s Army (CPP-NPA).

Ngayong natanggalan ng maskara ang NDFP, isiniwalat na rin ni Torres na ito ay kumikilos gamit ang mga Underground Mass Organizations (UGMOS) at iba pang mga front organization para makarecruit ng mga sektor na madaling hikayatin.

Dagdag pa ni Torres, ang mga UGMOs ay gamit ang mga front organizations gaya ng Kilusang Mayo Uno (KMU)/ Revolutionary Congress of Trade Union, Gabriela/ MAKIBAKA (Kilusan ng Bagong Kababaihan), ACT/KAGUMA (Katipunan ng mga Gurong Makabayan), and Alliance of Health Workers and HPAD/MASAPA (Makabayang Samahang Pangkalusugan).

Yun nga lang ‘designation’ o pagbabansag na isang “terrorist organization” ang NDFP noon pang June 23, 2021, ay nagsasaad na mapanganib talaga ang mga galaw ng NDFP sa seguridad ng bansa.

Kaya nanawagan na rin si Torres na maging mapagbantay tayo, at huwag hayaan ang ating mga anak na marecruit ng mga ito. Para na rin sa kanilang mga kapakanan.