Advertisers
HIGIT sa mga naunang anibersaryo at takbuhan ng ‘longest running event ng Pinas, mas puno at tumingkad ang 60th NATIONAL MILO MARATHON sa dagsa ng mahigit 20,000 mananakbo sa ginanap na Manila Leg sa Seaside Drive, Mall of Asia, Pasay City.lampas sa15,000 runners sa nagdaang takbuhan na nabalam pa ng nagdaang pandemic.
Sa temang, ‘Let’s Bring Out the Champions in Every Filipino’, dumagsa rin ang Pinoy families bitbit ang mga tsikiting sa pamosong MILO MARATHON kasama sa takbuhan, na ultimong nasa stroller pa lang ay naimumulat na sa paghuhulma ng mga kampeon sa hinaharap.Tulad din ito ng partisipasyon ng Pinoy families sa MILO event sa Trinoma, Quezon City kamakailan kung saan inspirado sila sa MILO models and famous champs sa pangunguna nina ALYSSA VALDEZ, BEA LUCERO, JAMIE LIM, JAPOY LIZARDO at CRIS TIU hatid ng 60 year-old MILO MARATHON.
Nagsimula ang race sa MOA ala-una ng madaling araw hanggang sa pagliliwanag sa umaga puno ang MOA grounds ng mga mananakbo na nagpakita ng determinasyon, tiwala, pokus at teamwork sa bawat grupo sa iba-ibang kategorya, 42kilometers, 21km, 10km, 5km, 3km, 1km. Mula sa MOA, bumagtas ang takbuhan sa mga parte ng Pasay City, Manila City at Paranaque City. Itinampok sa event ang awarding ceremonies para sa mga namukod at bagong champions.
Sa MEDIA presscon, iniharap nina MILO Head CARLO SAMPAN at RUNRACE Organizer/Coach RIO DELA CRUZ ang 2024 National MILO MARATHON Champions (42 km) na sina FLORENDO LAPIZ (2: 42:33) at LIZANNE ABELLA (3: 21:05) ng SPECTRUM Runners Club. Kapwa sila Cebuano na nagpahayag ng masidhing pursige, praktis, tapang at determinasyon para sumali sa Manila Leg championship. Wagi ng tig-50k na premyo, qualified na sila sa National Finals pagkatapos ng 15 legs sa Cagayan de Oro City. Ayon pa Kay MILO Head CARLO SAMPAN, may handang suporta at pagpapahusay pa sa tulong ng innovation para bigyan-daan ang Pinoy families kaugnay ng kanilang pagtuklas at pagtataguyod ng future champions. Dagdag -inpirasyon sa 60th @nniversary MILO MARATHON ang Family Division tampok ang CALIZO family. (Chat Francisco Santos)