Advertisers
Nirerespeto ng Department of Health ang naging rekomendasyon ng Office of the Ombudsman laban sa dating kalihim ng naturang kagawaran na si former Secretary Francisco Duque III.
May kaugnayan pa rin ito sa umano’y pagkakasangkot nito sa irregular transfer NG mahigit Php41 billion na halaga para sa procurement ng COVID-19 supplies noong taong 2020.
Ayon kay DOH Spokesperson Albert Domingo nirerespeto ng kanilang kagawaran ang lahat ng mga Legal proceedings ukol dito kasabay ng pangakong pakikipagtulungan sa mga kinauukulan kung kinakailangan.
Kung maaalala, inirekomenda ng Ombudsman na sampahan ng graft charges sina dating Department of Budget and Management Undersecretary Christopher Lao at former Health Sec. Duque matapos na makitaan ang mga ito na guilty Sa grave misconduct, gross neglect of duty, at conduct prejudicial to the service nang dahil sa umano’y maanomalyang deals na kinasangkutan ng mga ito noong pandemic.
Tuloy pa rin ang persikusyon sa dating administrasyong Duterte kung saan hinahabol ng gobyernong ito ang mga loyal at sagradong Duterte diehards.
Ibang klase ang Marcos Jr. regime kung saan naging kaalyansa na nito ang mga dilawan at left leaning groups na nagpaligo kay PBBM ng mga panlalait at paglibak ng mga nagdaang panahon.
Iba talaga ang klase ng pulitika ng mga Marcos.
Pakapalan talaga ng apog at panunaw.
Walang prinsipyo at dangal.
Kayang sikmurain at lunukin ang lahat sa ngalan ng punyetang pamumulitika.
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com