Advertisers
NASAWI ang lima katao nang masalpok ng delivery van ang sinasakyang “tuktuk” tricycle na nasunog pa sa Maharlika Highway, Canda Ilaya, Lopez, Quezon nitong Miyerkoles ng madaling araw.
Kinilala ang mga nasawi na sina Cheska Brin Jucares, alyas Jasper, alyas Jand Riza Brin, at Jaymar Orolfo.
Sugatan naman sina alyas Julia, Leopoldo Revilla Brin, at alyas Janella.
Apat sa siyam na sakay ng tuktuk ang dead on the spot, samantalang nasawi ang isa sa pagamutan.
Naganap ang malagim na aksidente 2:15 ng umaga.
Ayon sa paunang imbestigasyon ng Lopez Police, papuntang Bicol para maki-fiesta ang tricycle nang masalpok ito ng kasunod na delivery van.
Sa lakas ng impact ng pagkakasalpok, nabangga pa ng tricycle ang likurang bahagi ng isang bus.
Nagliyab ang nasabing tricycle hanggang sa madamay at magliyab narin ang pampasaherong bus.
Sunog ang apat na sakay ng tricycle, lima ang naisugod sa pagamutan na lahat ay nagtamo ng matinding sugat sa katawan.
Ayon sa mga awtoridad, ilan sa mga sakay ng tricycle ay mga bata.
Wala namang naiulat na nasugatan sa mga pasahero ng bus.(Koi Laura)