Advertisers

Advertisers

Anne umaabot ng 1.6-B ang net worth sa mga kita sa showbiz

0 79

Advertisers

Ni JIMI C. ESCALA

ISA sa highest paid TV host ngayon ang Kapamilya aktres na si Anne Curtis. Hindi rin kataka takang isa rin ang aktres sa may malalaking kinita sa mga showbiz personalities..

Maraming celebrities na ang tinalbugan si Anne as far as showbiz earnings at isa na rito si Kris Aquino na may ilang taon na ring nagpapagamot sa ibang



bansa.

Umabot na raw sa 1.6 biliyon ang net worth ni Anne  dahil sa malaking kita mula sa pelikula, TV hosting, at endorsements, huh!

Sa kanyang hosting sa “It’s Showtime” ay 6 figures daw ang talent fee ni Anne na halos kapantay lang ng tinatanggap ni Vice Ganda, huh!

Malaki rin ang kinikita ni Anne mula sa kanyang endorsements para sa mga kilalang tatak tulad ng Jollibee, Vivo, Whisper, BLK Cosmetics, L’Oreal, Smart, at SMDC.

Pero hindi rin naman naging madamot si Anne sa mga kinikita niya. İsa si Anne sa ilang taga showbiz na marunong mag share ng blessings.



At sa mga kakilala ni Anne na nangangailangan ng tulong ay madaling nalalapitan ang aktres at TV host, huh!

***

KRIS NAGPASALAMAT SA MGA BINAY SA PAG-AALAGA SA ANAK NA SI JOSH

SHINGLES  is a viral infection that causes a painful rash. Shingles can occur anywhere on your body. It typically looks like a single stripe of blisters that wraps around the left side or the right side of your torso. Shingles is caused by the varicella-zoster virus — the same virus that causes chickenpox.

Gayundin, pagkalipas ng ilang taon, maaaring lumitaw muli ang sakit na ito bilang isang uri ng “buni”, na nakikilala sa Ingles bilang herpes zoster o shingle, isang masakit na singaw sa balat. Ang karamdamang ito ay nakakahawa ng ibang tao sa pamamagitan ng hangin.

Speaking of Kris Aquino, nagpositibo raw ang aktres at TV Host sa sakit na shingles.

Ang shingles ay isang uri  ng “buni” na kilala sa English bilang herpes, zoster o shingles isang uri ng singaw sa balat.

Ayon pa sa isang post, ang maagang paggamot lang – antiviral ay maaari raw mapabilis ang paggaling at mapababa ang panganib ng mga komplikasyon nito, huh!

Just recently ay may post si Kris para sa update ng kanyang kalusugan sa America na kasabay ng pasasalamat sa mga nag-aalaga ng kanyang anak na si Josh.

“To my most trusted friend, @annebinay who celebrated her birthday Mother’s Day together with her Ate Sen. @nancybinay- thank you for being so welcoming to kuya josh & making him an adopted member of your clan. Hello to Lolo VP and to Lola Doc. It’s been a “test of courage” type of weekend- i had a consultation w/ a 4th doctor in UCLA, this time a cardiologist. It’s the start of Mothers’ Day here and moms have never been cowards. In this instance, please help me pray for good health for all moms and a very “Brave Heart” for yours truly (Details when i’m ready & when my complete test results are in.),” post pa ni Kris Aquino.

“Anne, the best friend anyone could wish for- THANK YOU for the unwavering love for kuya, bimb, & me AND for keeping all my secrets close to your chest,” dagdag pa ni Ms. Kris.

Ilang buwan nang nasa Pilipinas ang panganay na anak ni Kris at nasa bahay ng mga Binay

Dasal ang kailangan ngayon ni Kris.