Advertisers

Advertisers

Takot ma-boo..  Daniel atras sa Star Magic Games; Marvin pantasya ni ‘paresan queen’ Diwata

0 11

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

VIRAL ang isang video na na-upload sa YouTube chanlel ng isang nagngangalang “SALOMO21”.

Sa nasabing clip, makikitang nakikipag-usap ang online personality at owner ng paresan na si Diwata kay Marvin Agustin sa phone.



Buong akala ng iba ay humihingi ng tips si Diwata sa pagnenegosyo sa actor turned successful entrepreneur.

Pero iba ang kinalabasan ng kanilang pag-uusap.

Kilig na kilig si Diwata habang tsinitsika si Marvin tungkol sa possible meet-up nila.

“Ano pong pag-uusapan natin? Sayang, pagkakataon ko na sana maka-kissing scene ka!” sey ni Diwata.

Kinakiligan naman ito ng mga taong nagpapa-picture sa kanya ang ipinamamarali ng paresan owner.



Pero naudlot ang  pag-uusap ng dalawa dahil mahina ang signal sa kinarooonan ni Diwata.

Samantala, sa nasabing video, sinabi rin ng social media sensation na bagama’t gusto niyang tanggapin ang mga nag-aapply sa kanya na maging empleyado sa kanyang paresan, hindi na raw posible iyon sa kasalukuyan.

Hindi na raw kasi siya  tumatanggap dahil wala raw siyang maipapasuweldo sa mga ito.

Masyado na raw kasing marami ang kanyang staff kaya hindi muna siya tumatanggap ng aplikante.

***

Zanjoe damay kay Daniel

NAGKAROON ng samu’t saring espekulasyon ang pagkakatanggal ni Daniel Padilla sa poster ng upcoming Star Magic Games na gaganapin sa Hunyo.

Sa original poster kasi kasama ang aktor sa line up ng mga maglalaro.

Hirit ng ilang nagmamaldita, umatras daw si DJ dahil takot umano itong ma-bash.

Matatandaang noong nakaraang taon kasi ay  nag-boo ang aktor at tinawag na cheater ng detractors niya sa audience.

Ito ay noong kasagsagan ng balita ng hiwalayan nila ng ex na si Kathryn Bernardo.

May mga bubuwit na nag-tweet na naging traumatic daw sa actor ang naging karanasan niya noon.

Napansin din ng netizens na waley na rin sa lineup ng maglalaro si Zanjoe Marudo.

Sey ng kibitzers, umatras daw ang aktor bilang pakikisimpatiya kay Daniel.

Best friend kasi ni Zanjoe si Daniel.

Pagtatanggol naman ng kibitzers, nakapokus lang daw si Z kay Ria kaya prayoridad nito ang pagbuo ng pamilya kasama ang esposa kaya pass muna sa paglalaro ngayong taon.

Pansin naman ng ilang nagmamahadera, tila nabawasan daw ang ningning o sparkle ng taunang palaro ng nasabing event ngayong taon dahil kulang sa big name stars.

Expected naman na pagkakaguluhan sa Star Magic Games this year sina Donny Pangilinan, Gerald Anderson at Ronnie Alonte.

Kung a-attend din ang girl group na BINI ay inaasahang pang-hatak din sila ng crowd ngayong taon.