Advertisers
Ni BETH GELENA
ILANG taon ding naghintay si Alden Richards na magkaroon ng sequel ang pelikula nila ni Kathryn Bernardo noon na Hello, Love, Goodbye.
Pangarap daw kasi niya na magkaroon sila ng sequel ni Kath.
And here it was, five years bago ito nasundan.
Sabi nga ng netizens, kung hindi pa raw nag-break sina Kath at ang boyfriend nitong si Daniel Padilla, malamang daw na hindi ito magkakaroon ng sequel.
Wika nga ng Kapuso aktor,
“Yung pangarap na ‘yun, nasa puso ko lang in the past five years. Finally, ito nga, dreams do come true. I couldn’t be happier today kasi this gave me another motivation, ‘yung gigising ka sa umaga na meron kang ni-lo-look forward, so I’m so excited and very happy that this is happening.”
Hindi itinago ni Alden ang kanyang excitement at feelings hinggil sa proyekto nila ng Kapamilya actress, na Hello, Love, Again na ang title.
Siguradong lalong magkakalapit sa isa’t isa ang KathDen na siya namang hinihintay ng kanilang mga tagahanga.
Ina-assume nga ng mga fans na bago matapos ang kanilang movie ay maging magdyowa na in real life sina Kath at Alden.
***
KIM DINAAN SA GLAM ANG SARILI PARA MALAYANG MAKALIPAD
NAGBAHAGI si Kim Chiu ng kanyang glam video.
Nilagyan niya ito ng “Just a girl growing wings.”
Hinangaan ng netizens ang mga magagandang larawan ni Chinita Princess.
Gorgeous at fabulous ang bawat posing ni Kim na naka tank top at white pants. Mga positibong komento ang binigay ng netizens na ikinasaya ng TV host/actress.
Despite sa pagbubulgar ng ex boyfriend ni Kim Chiu na si Xian Lim na siya umano ang nag-initiate na magbreak sila, dedma lang ito sa aktres.
Instead, ibinida niya na hindi siya affected at dinadaan niya sa pagpapaganda para hindi siya ma-stress.
Ang tapang ng mga stunning poses ni Kimmy na kinaaliwan ng kanyang fans.
Meaningful ang caption ni Kim sa kanyang video glam na may background music ng latest song ni Tyla na ART.
Komento ng mga netizen, “Ang ganda and seksi!”
“Spread your wings and fly high Kimmy!”
“Simply beautiful inside out. Continue to shine and be happy Kimmy.”
“Yung bungisngis sa dulo talaga hinanap ko! Di kompleto pag walang bungisngis at smile ni Kimmy hehe.”
***
MARAMI na ang talagang nakaka-miss sa aktres na si Angel Locsin.
May post si Eric John Salut sa social media na may big star umano na magbabalik para pumirma ng kontrata.
Marami ang nag-aasume na si Angel ang tinutukoy ni EJ.
Dalawang taon nang hindi nakikita sa showbiz ang mahusay na aktres.
Bigla na lang siyang nag-elope after nilang magbakasyon ng mister niyang si Neil Arce sa Italy.
Hindi alam ng netizens ang reason ng humanitarian actress kung bakit bigla siyang naging invisible sa industriya.
Sa post ni EJ na may magbabalik na big star sa ABS-CBN.
Espekulasyon ng netizens, ang magbabalik ay ang humanitarian actress na si Locsin.
Komento ng mga netizens:
“nasa abs cbn na po lahat ng big stars – except for marian and dingdong – so sino ba to?”
“can’t wait Angel Locsin , Judy Ann Santos, Erich , or Marian Rivera. Maricel Soriano, Vilma Santos. Wala na ako maisip na malaking bituin pa. Ay Sarah G pa pala.”
“Angel [Locsin] ba to hehehe”
“Angel [locsin] na sana”
“sino kaya yan? nakaka excite naman!”
“Please make it THE Angel [Locsin]!!!!”
Nitong nakaraang January ay nagbigay ng update si Dimples Romana hinggil sa kaibigan niyang aktres.
Aniya, masaya ang aktres and enjoying a life away from social media and the limelight.
Pinawalang katotohanan din ni Dimples na hiwalay na sina Angel at Neil tulad nang napapabalita noon.
“I get to see her naman, she’s very, very happy and happily married, and Neil is taking very good care of her.”