Advertisers
Ni WENDELL ALVAREZ
MULI na namang naungkat ang kontrobersiyal na ibinabato kay Kelvin Miranda, ang pangunahing bida ng pelikulang “Chances Are, You and I”, nang humarap ito sa isang presscon na ginanap sa Valencia Event’s Place ni Mother Lily Monteverde.
Nagsimula ito sa isang blind item kung saan nagkaroon daw sila ng kaugnayan ng isang foreign artist.
Lahat ng iyan ay dinenay niya nang humarap sa “Fast Talk” ni Kuya Boy Abunda, nuong nakaraang taon, 2023.
Hindi talaga mamatay-matay ang nasabing isyu hangga’t hindi naririnig ng working press ang kumpirmasyon mula sa kanyang bibig, lalo na nang inungkat ito ni katotong Jobert Sucaldito.
Ayon kay kapatid na Jobert, panatag na raw ang kalooban niya kasi sinagot mismo ni Kevin ang matagal nang naglalaro sa kanyang isipan.
Isa pang isyung pinatunayan ng nina Kevin at ng kanyang leading lady na si Kira Balinger, na nuon daw ginagawa ang nasabing pelikula na tsismis na nagkaroon sila ng relasyon dahil lock-in shooting ito nuong kasagsagan ng pandemic.
Pero ang lahat ng iyon ay walang katotohanan dahil trabaho lang daw at professional naman ang lahat ng nasa cast.
Sinabi naman ni Direk Catherine Camarillo, kilala sa tawag na Direk “CC”, ang nasabing movie ay matagal na raw nai-shoot. Kung baga two years in the making ito nuong panahon ng Covid 19, kaya naka lock-in sila at walang uwian.
Sa darating na May 29 ay mapapanood na ang Chances Are sa ilang commercial theaters under Pocket Media Production and released by Regal Fims.
Kasama sa cast sina Jin Ho Bae, Tart Carlos, Anne Feo, Gian Magdangal and Al Tantay….#AbawAh!!!
***
TULUY-tuloy ang proyekto ng TEAM-The Entertainment Arts and Media, sa kanilang gift giving project this coming June 9, 2024, sa Child Haus sa 1448 Agoncillo St., Ermita, Manila.
Ang nasabing proyekto ay taun-taon ginagawa ng TEAM to share their blessings sa mga batang may cancer.
Kaya naman ang mga bagong halal na opisyal, our President-Nonie Nicasio, VPresident-Anne Venancio, Secretary- Maridol Ranoa-Bismark, Asst Sec.- Maryo Banlat Labad, Treasurer- Obette Serrano, Asst Treas- Noel Benesisto Orsal, Auditor-Wendell Alvarez, PRO- Pilar Mateo and Danilo Vibas. Nagpapasalamat kami sa mga sponsors na walang sawang sumusuporta sa mga projects at gawain ng TEAM. #AbawAh!!!