Advertisers

Advertisers

Shaira at EA kinumpirma, sa 2026 ikakasal

0 10

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

MAY petsa na ang kasal nina Shaira Diaz at Edgar Allan  “EA” Guzman.

Well, hindi pa naman eksakto pero confirmed, sa taong 2026 ikakasal ang engaged couple.



Ni-reveal ito mismo ni Shaira sa Fast Talk With Boy Abunda kamakailan.

“2026, opo.”

And hanggang ngayon, kahit medyo matagal pa ang hihintayin nila, mahigpit ang pagsunod nina Shaira at EA sa hindi pagse-sex hangga’t hindi sila ikinakasal.

Lahad ni Shaira, “Ako gusto ko talaga dahil naniniwala ako at ino-honor ko talaga po ‘yung mga binigay kong salita sa magulang ko, yung mga binigay nila sa aking advice.

“And siyempre sa Bible rin po. ‘Yun naman talaga, na dapat walang ganito before marriage.”



Pero nilinaw ng dalaga na hindi siya kontra sa mga magkasintahan na iba ang pananaw.

“Wala talaga akong against sa mga hindi gumagawa noon. Siguro sa akin talaga choice ko talaga na gusto ko na i-save iyon sa pagkakasal namin.”

Inihayag din ni Shaira na napag-uusapan na rin nila ni EA kung sino sa kanila ang hahawak ng pera kapag ikinasal sila upang maiwasan ang pagtatalo na kadalasang dinaranas ng ibang mag-asawa.

“Yes. Actually alam nga namin ang savings ng bawat isa. Parang ginagawa namin siyang inside joke sa amin na ‘O ayan na naman ang laki ng papasok sa iyo. Maglibre ka naman!’”

Gusto raw ni EA na si Shaira ang mag-aasikaso ng kanilang pera sa hinaharap.

“Pero pagdating sa future, kapag ikinasal na kami, very open naman din kami, at si Edgar din po, sinasabi niya na ‘Kapag kasal na tayo ikaw na ang hahawak ng pera natin.’”

Kasalukuyang napapanood si Shaira sa Unang Hirit at si EA naman sa Lilet Matias: Attorney-At-Law sa GMA.

***

SIKAT na pamilya ng content creator, may ginintuang puso rin ang Blackman family na sina Josh, Jeraldine at mga kids nilang sina Jette and Nimo.

Pinay si Jeraldine at Australian si John kaya sa Australia sila naka-base at kailan lamang ay umuwi sila sa Pilipinas upang mamahagi ng mga school supplies sa isang eskuwelahan sa Mandaluyong City.

Bukod sa pagtulong ay nais daw nina Jeraldine at Josh na matuto ang kanilang mga anak habang bata pa kung paano tumulong sa kapwa.

“Para malaman ni Jette and Nimo like giving back to the community.

“It was so good for them to learn from it as well. Tapos nag-enjoy sila talaga when we were there. They didn’t expect na, you know, schools in Australia is so different.

“Like you know the environment itself is different already, gusto kong makita nila kung ano ang environment dito, kaya super-enjoy sila,” sinabi pa ni Jeraldine.

Phenomenal ang kasikatan ng Blackman family dahil meron silang 2.5 million Instagram followers, 2.7 million on Facebook, 2.4 million followers sa TikTok at  391,000 subscribers sa YouTube!

Kaya hindi nakapagtatakang kinuha sila ng businesswoman na si Anna Magkawas para iendorso ang mga produktong powdered drink na Luxe Kids na may variants na Chocolate, Ponkana at Strawberry Juice.