Advertisers
Upang makatulong kaharapin ang kahirapan at matustusan ang pang-araw-araw na gastusin, pinagkalooban ni Quezon City Vice Mayor Vice Mayor Gian Sotto ng cash assistance (ayuda) ang mga benepisaryo sa programa nitong Small Income Generating Assistance (SIGA).
Pinagkalooban ni Sotto ng tig-5,000 livelihood assistance ang 360 benepisaryo ng SIGA bilang pasimulang kapital para sa isang maliit na negosyo.
Ayon kay Sotto, makatutulong ito sa mga mahihirap na residente na kabilang sa hanay ng “poor QCitizens” para makapag-umpisa ng isang maliit na negosyo para matustusan ang kanilang pangangailangan.
Ang mga benepisaryo ang pinili mula sa anim na distrito ng lungsod at kabilang sa sinasabing isang kahig, isang tuka.
Isinagawa naman ang pamamahagi, Sotto’s SIGA program sa Quezon City Hall lobby nitong Mayo 20 matapos ang Flag
Ceremony.
Sa magkahiwalay naman na okasyon, inalalayan din ni Sotto ang may 120 magkasintahan
na sasailalim sa marriage enrichment seminar sa tulong ng Christ Commission Fellowship
na ginanap sa CCF Metro East HUB Servant Leaders sa loob ng Techno Hub sa kahabaan ng Commonwealth Avenue.
Layunin ng marriage seminar ay upang tulungan at pangaralan ang mga ikakasal hinggil sa kahalagaan ng kasal.
“CCF resource persons tackled topics like why some marriages no longer work; what is God’s design & purpose for marriage and ‘how can we fit our marriages into the plans of God,” pahayag ni Sotto.