Advertisers

Advertisers

BALIK SA LUMA BAGO PA MAN

0 20

Advertisers

INIHAYAG na ng Pangulo na balik sa dating iskedyul ang pasukan ng mga estudyante sa pampublikong paaralan sa buong bansa.

Tanda pa marahil ng taumbayan nang baguhin ang naturang iskedyul noong panahon ni dating PNoy kabilang na ang pagpapatupad ng programang K-12 na ngayon ay pinag-aaralan na rin [daw] ibalik sa dating programa.

O, [baka] isipin naman ng mga mapaglarong isipan diyan na kaya binabago ay dahil ‘Aquino’ ang mga ideya na iyon habang ang nakaupo ngayon sa Malakanyang ay isang ‘Marcos’.



Sana naman ay hindi dahil sa pulitika kaya nauwi sa desisyon ang Pangulo na ibalik sa dating iskedyul ang pasukan sa mga paaralan. At tayo naman sana ay huwag pulitikahin ang mga hakbang na ito ng kasalukuyang administrasyon.

Sa pagbabago ng iskedyul noon ay sobrang ulan ang pangunahing dahilan kabilang na ang mga kakaibang lakas ng mga bagyo na sumalanta sa ating Inang Bayan gaya ng bagyong ‘Yolanda’.

Sa tuwing uulan kasi ay madalas malubog sa baha ang mga lugar kaya maraming mga estudyante na perwisyo ang inaabot lalo na sa mga lansangan kapag kanselado na ang mga klase.

Dahil sa mga pag-ulan at pagbaha kaya walang klase o kanselado ang mga ito. Ang pahirapan pa lalo ay kung nasa paaralan na ang mga estudyante kung saan mga estudyante sa elementarya ang kaawa-awang lubos sa eksenang ito.

Kaya hayun ang mga magagaling at matatalino noong panahon na iyon… binago ang iskedyul ng pasukan sa eskwela upang umiwas sa panahon ng tag-ulan pero wala marahil naka isip na sobrang init naman ang haharapin ng mga estudyante.



Kaya sa darating na buwan ng Hulyo ay sisimulan na muli ang pasok sa eskwela nang sa gayun ay hindi na nito abutin ang mga buwan kung saan sobrang init ang nararanasan ng mga estudyante.

Ibinalik sa lumang iskedyul dahil sa ‘El Niño’ upang bago pa man umeksena ang ‘La Niña’ ay nasa loob na ng mga paaralan ang mga estudyante upang sumagupa naman sa bangis ng mga matitinding hangin at ulan.

***

Para sa komento o suhestiyon: eksperto1971@gmail.com