Advertisers

Advertisers

DR. LEACHON MALILITSON SA CYBER LIBEL?

0 2,022

Advertisers

Sa tindi ng init ng panahon at kung hindi madedepensahan ni dating DEPARTMENT OF HEALTH SPECIAL ADVISER FOR NON-COMMUNICABLE DISEASE DR. TONY LEACHON ang kasong CYBER LIBEL na isinampa ng BELL-KENZ PHARMA INC laban sa kaniya ay mistulang MALILITSON ito sa kahahantungan niyang maliit na parisukat ng piitan.

Sa mga propesyunal na personalidad ay napakahalaga ang pagiging maingat sa mga pananalita o ibinabahagi sa mga online na kailangan ay may mga ebidensiya ang bawat impormasyon bago isapubliko.

Si DR. LEACHON na isang HEALTH ADVOCATE at kilala sa MEDICAL SOCIETY ay sinampahan ng kasong CYBER LIBEL sa NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION (NBI) ng BELL-KENZ PHARMA INC. dahil sa pagpapakalat sa online ng “malicious, reckless, and baseless accusations”.., na ang naturang PHARMA raw ay sangkot sa “UNETHICAL PRACTICES”.



Isa sa mabigat na bintang ni DR. LEACHON sa BELL-KENZ ay sangkot ito sa MULTI-LEVEL MARKETING at PYRAMIDING SCHEMES.., gayundin ay nag aalok ng mga magagarbong incentives sa mga doktor na magrereseta ng kanilang gamot batay sa mga impormasyong isiniwalat ng ilang WHISTLEBLOWERS na lumapit sa kaniya.

Sa isinampang CYBER LIBEL CASE sa NBI ay inihayag ni BELL-KENZ CORPORATE SECRETARY ATTY. JOSEPH VINCENT GO na pawang walang basehan ang alegasyon ni DR. LEACHON at sa tindi ng mga paninira nito ay nagresulta umano sa pagkasira ng kanilang reputasyon bilang isang mapagkakatiwalaang pharmaceutical company.

Hindi lamang ang pangalan ng kumpanya ang nasira kundi nagresulta rin ito ng pagkasira sa reputasyon ng mga doktor na mas pinipili na magreseta ng mga gamot na gawa ng BELL-KENZ na 30% na mas mura kaysa sa iba.

Ipinunto ni ATTY. GO na handa silang humarap sa mga imbestigasyon na gagawin ng SENADO o ng iba pang GOVERNMENT HEALTH REGULATORY BODIES.., subalit ang kanilang hiling ay mabigyan sila ng patas na pagtrato.

Isa sa hiling ng BELL-KENZ sa NBI ay maalis sa social media ang mga “damaging posts” na pawang sinabi ni DR. LEACHON nang walang sapat na ebidensya.



Kung hihimayin ang mga bintang ni DR. LEACHON sa sinabi niyang sangkot sa MULTI-LEVEL MARKETING (MLM) at PYRAMIDING SCHEMES ang BELL-KENZ ay posibleng hindi ito tama.., kase, ang MLM at pyramiding scheme ay nakasentro sa recruitment ng tao gayong ang BELL-KENZ ay nagbebenta ito ng pharmaceutical products at hindi nag-ooperate sa pamamagitan ng recruitment incentives.

Sa isyu naman na nagbibibigay ito ng magarbong regalo sa mga doktor gaya ng mga trip abroad at mamahaling gamit, marahil ay masasabi natin na luma na ang ganitonhg isyu.., na bagaman “UNETHICAL” nga ang ganitong gawain ay hindi natin maitatanggi na hindi lamang ang BELL-KENZ ang gumagawa nito kundi maging ang ibang mga pharmaceutical companies ay may mga ipinagkakaloob ding INCENTIVES.

Mga ka-ARYA.., kung ang ganitong practice ang ibibintang sa BELL-KENZ ay hindi lamang dapat ito ang imbestigahan ng SENADO kundi ang buong industriya ng pharmaceutical ay dapat ding imbestigahan, dahil ang mga PHARMA ay nagkakaloob ng mga natatanging incentives.

Iginigiit din ni DR. LEACHON na ang BELL-KENZ ay pagmamay-ari ng mga doktor.., e gayung ang mga ospital, testing centers, drug stores at iba pa ay kadalasan din na pagmamay ari ng mga doktor.., kaya naman kung ang BELL-KENZ ay may mga doktor na kabilang sa may ari ay maaari nang sabihin na ito ay “non issue”.

Kung hihimayin ay tila pasok nga sa CYBER LIBEL si DR. LEACHON dahil nauna ang bintang bago ang ebidensya.., bukod pa riyan ang mga isyung inilabas nya ay hindi na bago dahil iyan na ang kadalasang inuugnay sa mga pharma companies.

Ang malaking tanong ngayon ng ARYA BEES.., bakit kaya ang BELL-KENZ ang pinupuntirya at ano ang nasa likod ng motibo nito? Mayroon kayang hindi naging pagkakaunawaan!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.