Advertisers

Advertisers

Pagkagutom wawakasan ng PBBM Food Stamp Program

0 12

Advertisers

OPO dear readers, tuloy-tuloy na ang “Food Stamp Program” (FSP)) sa buong bansa, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), kasi nakita na epektibo ito laban sa pagkagutom.

Ayon kay Bro. DSWD Usec Edu Punay, idinaan muna sa pilot implementation ang FSP ni Presidente Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. upang makita kung makatutulong ito sa laban sa pagkagutom sa maraming lugar sa ating bansa.

Naisip itong FSP ni PBBM na kailangan na ang tulong ng gobyerno sa voluntary hunger na nararanasan ng mga pamilyang kinakapos ang kita upang maayos na mapakain ang kanilang mga anak, at ito nga ay ang iniisyung Executive Order No. 44 na pagtatag ng “Walang Gutom 2027: Food Stamp Program”.



Sa mandato ng DSWD, ito ay inatasan na gumawa ng nararapat na hakbang para matiyak ang tagumpay laban sa pagkagutom, at sinubok nga ito sa ilang lugar sa Maynila, at nakita, maayos na matutugunan ang hirap sa buhay ng karaniwang pamilyang Pilipino.

Naipatutupad ito sa pagbibigay ng perang idinadaan sa Electronic Benefit Transfer (EBT) cards na magagamit ng benepisyaryo sa pagbili ng food items mula sa kapartner na tindahan ng DSWD.

Nakita nga na maayos ang implementation ng EBT cards na ito sa tinutulungang pamilya, ayon kay Usec Punay sa idinaos na press briefing sa Quezon City noong nakaraang linggo.

At may magandang balita sa mga naghahanap ng trabaho, kasi sabi ni Usec Punay, nangangailangan ang DSWD ng mga staff sa mga lugar na ipamamahagi ang EBT cards para sa pamilyang kinakapos ang kita sa araw-araw.

Sampung (10) rehiyon sa bansa ipatutupad itong “Walang Gutom 2027: Food Stamp Program” na ang makikinabang, sabi ni Usec Punay ay aabot sa 300,000 pamilyang Pinoy — na makabibili ng kailangang dagdag na pagkain mula sa ibibigay na EBT card sa kapartner ng DSWD na grocery o tindahan sa mga rehiyon.



Pag nakita na maayos ang implementasyon ng FSP, ang nalalabing dalawang rehiyon na di kasali sa programa ay makatitikim na rin ng ligtas sa pagkagutom ang mga kinakapos na pamilyang Pinoy.

Napakagandang programa ito, sa totoo lamang po, sabi ni Usec. Punay, na ngayong Mayo, uumpisahan na ang validation at registration ng 300,000 beneficiaries.

Ngayon July na sisimulan ang pamamahagi ng EBT cards, at sabi nga ni Usec Punay, ngayong Mayo, nakapag-hire na sila ng 1,000 validator.

“Twenty-one provinces in 10 regions po iyan na na-identify ng ating departamento bilang priority areas, sabi ni Usec Punay na tiniyak niya na matagumpay na ipatutupad laban sa pagkagutom.

Itong Pilot testing ng FSP program ay sinimulan noong Disyembre ng nakaraang taon, at matatapos ngayong Mayo, at isasabay na rin ang masusing pagre-review at assesssent sa resulta ng programa sa unang 3,000 pamilyang benepisyaryo.

Nakita sa unang assessement noong Pebrero at Marso na malaki ang naitulong ng programa sa pagbibigay ng pagkain sa mga kapos sa ikinabubuhay; nakita na marami ang nailigtas sa pagkagutom, kaya nga, gagawin na ang full implementation ngayong Hulyo sa 10 sa 12 rehiyon sa Pilipinas.

Isang magandang hakbang itong FSP sa pamilyang Pilipino, at umaasa tayo na magtatagumpay ang DSWD, katuwang ang local government units (LGUs) upang maibsan ang pagkagutom sa bansa.

Tiniyak din ng DSWD na tanging kuwalipikadong pamilya ang makikinabang sa programang kontra kagutuman na ito ni PBBM at kasabay nito ang pagpapalawak ng oportunidad sa trabaho at kabuhayan ng ating bansa.

Sa mga mapagkakatiwalaang kasali sa programang ito, umaasa si Usec Punay na magtatagumpay ang laban ng Bagong Bansa sa pagkagutom.

Sa ngalan ni PBBM, DSWD Sec. Rex Gatchalian, Usec Punay at iba pang Usec, Asec at mga regional, provincial at LGUs social welfare personnel, mawawakasan ang pagkagutom ng mamamayang Pinoy.
***
Sinabi na ni PBBM na di isusuko ang WPS dahil “Atin ang WPS” at hindi ito isang islogan lamang.

Para sa akin, isa itong mapanindigang pahayag ng pagtutol at pagmamahal sa ating bansa at ang ating paggiit na atin nga ang teritoryo sa West Philippine Sea na malinaw na sinusuportahan ng desisyon ng 2016 Arbitral Tribunal Award noong Hulyo 14, 2016.

Sa desisyon ng Permanent Court of Arbitration (PCA) sa The Hague ay pinagtibay ang ating karapatan sa WPS na sinasabi, tayo lamang, ang Pilipinas lamang ay may likas na angking karapatan at soberenya sa WPS at ang mga isla at karagatan dito ay atin, pagkat nasasakop ng ating exclusive economic zone (EEZ).

Ang pagsasabi na “Atin ang WPS” ay patotoo sa panawagang “Never Give Up” at wag tayong pumayag na paapi sa China.

Isa itong mapagmahal na mensahe ng ating pagmamahal sa ating bansa at kalayaan, at ang ating kahandaang harapin ang lahat ng pagsubok upang mapanatili ang kapayapaan at gayundin ang kahandaang ipagtanggol ang ating bayang Pilipinas.

Atin nga ang WPS, at isigaw natin lagi: Wag isusuko ang ating soberenya at isigaw, “Never give up!”

Wag tayong magpatakot sa banta ng China; dapat ay manatili tayong matatag, at manindigan.

Atin ang WPS at hindi ito dapat isuko sa ‘Iswater” na China sa ating karagatan!
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe lang sa bampurisma@yahoo.com.