Advertisers

Advertisers

PDGEN. MARBIL SANGKALAN NINA “SGT. ADLAWAN” AT SGT. RANIEL SA R4A AT R3!

0 1,291

Advertisers

TIYAK na nanggagalaiti sa galit si newly appointed Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rommel Francisco Marbil dahil sa garapang paggamit sa kanyang pangalan ng isang dating DDS (Duterte Die Hard Supporter) na si alyas Sgt. Adlawan, kilalang police tong kolektor o “kapustahan” ng maraming PNP official sa Region 4A at alyas Sgt. Raniel na bukod sa pagiging “kapustahan” ay operator pa ng halos lahat na pergalan (perya na pulos sugalan) sa Region 3.

Si alyas Sgt. Adlawan ay dating pulis mula sa Davao na nakabase ngayon sa Sto. Tomas City, Batangas kung saan nakapagpatayo ito ng pinakamalaking farm ng sasabunging manok mula sa kinita nito sa pagiging tong kolektor ng maraming PNP top brasses.

Katwiran ng mga PNP official na nagamit ni alyas Sgt. Adlawan sa kanyang kolektong activity, wala silang kamalay-malay na isinasangkalan ni alyas Adlawan ang kanilang mga pangalan sa pangongolekta ng suhol mula sa mga operator ng buriki, colorum van, illegal terminal, pergalan, Small town lottery (STL) bookies, saklaan at maging sa mga financier ng ilegal na droga.



Binuo ng isang alyas “Maklang” ang grupo ng mga tong collector nang maupo si PDGen. Marbil bilang hepe ng mahigit sa 228,000 miyembro ng Pambansang Kapulisan hindi upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan kundi para pangasiwaan ang pagpapatakbo ng iligal na pasugal tulad ng Small town lottery (STL) bookies, pergalan (perya na pulos sugalan,) saklaan, paihi, biyahe ng colorum van, ilegal na terminal, maging ang operasyon ng illegal drug at iba pang labag sa batas na kitaan, kapalit ng regular na lingguhan, buwanang lagay, payola o intelhencia.

Kung hindi pa ito alam ni PDGEN. Marbil, dapat na niyang malaman ang ginagawang kabulastugan ng grupo ni alyas Maklang at ng partner nitong si alyas Wan-o.

Kasama ni Sgt. Adlawan sa team ng tong collector nina alyas Maklang at Wan-o ay ang mga kapwa pamoso nito sa larangan ng protection racket na sina Rigor, Richard at Hero na kumikilos sa Cavite. Si Hero ay isang hoodlum na nagpu-pulis-pulisan at operator ng mga saklaan na may shabuhan sa mga bayan ng Amadeo, Maragondon, Noveleta,Ternate, Magallanes,Bailen, Dasmarinas at Bacoor kasosyo sina Elwyn, alyas Sgt. Bagos at Maricon.

Pinasok ng drug pusher na si Hero ang pagiging tong kolektor upang makumbinse si Cavite PNP Provincial Director Col. Eleutero Ricardo Jr. na walang makatitibag sa kanyang pasakla pagkat nakatimbre siya sa opisina ni Chief PNP at Special Operation Unit (SOU) ng CIDG, Camp Crame.

Sa Batangas ang nirecruit ni Sgt. Adlawan ay sina alyas Tata Boy, Magsino, Gaston, alyas Capt Lloyd o Dave, alyas Sgt. Sandoval, Jeff, Sgt. Calingasan at Sgt Ilaw. Sa Quezon Province ay sina alyas Sgt. Panganiban, alyas Rexner, Richard, Arguelles at Jamie; sa Laguna ay sina alyas Joseph, Jack at Boknoy at sa lalawigan ng Rizal ay sina Sgt. Jun2 Cruz, Sgt. Marcial, Davalos, Barroga at Tata Rudy.



Si alyas Sgt. Raniel ay hayag namang bogus na PNP Sergeant at kasosyo ng halos lahat na operator ng 60 pergalan sa buong Region 3 ang siyang natokahan ni alyas Maklang, Wan-o at Sgt. Adlawan na pamahalaan ang mga tong koleksyon sa mga lalawigan ng Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac at Zambales.

Napisil ni Maklang at Wan-o si Sgt. Raniel at ang isang Dante pagkat may isang taon na ang mga ito na nagpapatakbo ng puesto pijo sugalan sa Brgy. Dau, Mabalacat City. Kasosyo din si Sgt. Raniel ni alyas Evelyn sa pag-ooperate ng pergalan na may shabuhan sa Brgy. Del Rosario, San Fernando City, Pampanga, bayan ng Sta. Rita kasosyo ang isang Doming, sa Brgy. Sta Cruz sa bayan ng Mexico kasosyo ang isang Glen, bayan ng Mabalacat kasosyo ang isang Buboy at Brgy. San Vicente, bayan ng Apalit kasosyo ang isang Naldy.

Hang-out ni Sgt. Raniel ay ang pergalan nito sa Brgy Dela Paz Norte, sa siyudad din ng San Fernando na imbakan din ng di lisensyadong baril at mga pambentang droga. Ang iba pang mga pergalan na may shabuhan na minamantine ni Sgt. Raniel ay ang pino-postehan nina Lanie sa Brgy. Patubig sa bayan ng Marilao, Chona sa Brgy. Corazon sa bayan ng Calumpit at Marie sa Brgy. Poblacion sa bayan ng San Miguel sa probinsya ng Bulacan.

Kasabwat ni Sgt. Raniel sina John na ang pakilala ay “kapustahan” ng Tarlac CIDG at CIDG Region 3 at alyas Payton na gumagasgas naman sa Tarlac PNP Provincial Office at opisina ng S2. Hindi lamang ang pangalan ni PDGen. Marbil ang binabanggit ng grupo nina Sgt. Adlawan sa mga napasok ng mga itong rehiyon tulad ng National Capital Region, Region 3, Region 4A at MIMAROPA, kundi maging ang pangalan ni Criminal Investigation and Detection Group Director MGen. Leo “Paco” Francisco, kapag umiikot sa mga vice den at mga pugad ng ilegalista. Kaya hindi nakapagtatakang “mabantot” na ang pangalan ng dalawang pinagpipitagang heneral? May karugtong…

***

Para sa komento: Cp. No. 09664066144