Advertisers

Advertisers

Rep. Barbers pakisama na rin ang may-ari ng Rose Lin Foundation na ipatawag sa Kongreso!

0 70

Advertisers

Dyan masusubukan ng taong bayan kung gaano katigas ang Kongreso sa pagiimbistiga sa pagkakaroon ng 291 titled land sa halos buong bansa pero ang mas marami ay sa Metro Manila at Central Luzon na pawang pagaari ng tinaguriang Chinese Drug Lord Willie Ong.

Siguro Surigao Del Norte Rep. Robert Ace Barbers na lahatin na ang pagpapatawag sa kongreso ng sinasabing may kaugnayan kay Ong at sa isnaberong si Michael Yang wala na kasing respeto sa patawag ng Mababang Kapulungan isama na rin si Rose Lin na sinasabing may-ari ng isang higanteng Foundation diba mga Ka Usapang HAUZ?

Alam nyo ba mga Ka Usapang HAUZ binalewala ni Michael Yang ang pinatawag na imbestigasyon ng House Committee on Dangerous Drugs, ipinamukha ni Yang na tila nakasandal pa rin siya sa pader, tila duon naman siya nagkamali dahil lalo lang niyang pinipikon ang mga kinauukulan at napipinto na ang paglalabas ng warrant of arrest laban sa kanya.



Sa mga nakakalimot, kay Yang at sa kanyang mga ka-mafia nakapaturo ang nasamsam na 560 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng humigit kumulang P3.8 billion sa San Jose Malino, Mexico, Pampanga noong Sept. 24, 2023. Nakapasok sa loob ng tea bags ang mga hinihinalang panggawa ng shabu. Idineklara rin nilang animal feeds ang kanilang kargamento nang ipasok nila ito sa Pilipinas.

Kung sabagay mga Ka Usapang HAUZ, ganoon naman sila kalakas sa Customs at sa mga port noong araw dahil hindi bababa sa P50,000 kada kilo mula sa inaangkat na raw materials ng shabu ang kanilang taripa. Kwentuhan pa nga sa mga pantalan na talagang umuulan ng pera noon para sa mga kasabwat nila sa kaliwa’t kanan na transaksyon.

Nakagawian na nila Yang and associates ang umano’y kalakarang ito dahil mula pa noong 2004, naglalakihang shabu laboratories na ang pinapaandar ng mga ito lalo na sa Davao, Cagayan de Oro, General Santos at sa Cavite kung saan P10.4 billion halaga ng panggawa ng shabu ang natimbog ng PDEA noong 2018.

Ang sanggang-dikit nitong si Michael Yang ay si Allan Lim na kilala rin sa pangalang Lin Weixiong. Minsan kilala rin siya bilang Jeffrey Lin. Siya lang naman ang asawa ng tinaguriang Pharmally queen na si Rose Nono Lin.

Kagaya ng pag-amin sa isa sa mga hearing sa senado ng interpreter ni Yang, sinabi nito na magkasabwat sina Yang at Lin sa pagbuo ng maanomalyang kumpanya. Sabi pa nga ni Pharmally President Huang Tzu Yen, si Yang ang nag-pondo sa Pharmally bago ito nakapasok ng ubod ng laking kontrata sa gobyerno noong pandemya.



Tila sinadyang italaga ni Michael Yang ang mag-asawang Lin bilang Corporate Treasurer at Financial Manager ng Pharmally upang matiyak na matatabo ng sindikato nila ang mga nakulimbat na multi-bilyong salapi mula sa Pharmally.

Maliban sa Chinese company na Empire 999 na sinasabing warehouse nila Yang ng iligal na droga, silipin na rin dapat ang Chinese companies na Full Win, Fu De Sheng Group, Xionwei Technology at ang Rose Lin Foundation.

Kahapon mga Ka Usapang HAUZ galit na galit si Rep. Barbers sa pagkakadiskubri ng 291 titled lands ni Ong kaya ang sabi ng mambabatas kailangan natin na maipaalam sa publiko na kuwestiyunable ang mga ito at upang mabigyan din ng proteksiyon ang sinuman na kanilang pagbebentahan ng mga ito, kailangan din nating malaman kung paano nila nabili ang sangkatutak na land property.

Napapanahon na mga Ka Usapang HAUZ na matuldukan ang paghahari ng mga Chinese sa usaping sindikato partikular ang paggawa at pagbebenta ng ilegal na droga sa ating bansa.

***

Para sa Inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com o tumawag or mag txt sa 09352916036