Advertisers
Ni BETH GELENA
NAKUNAN ng pahayag si Andrea Brillantes kung ano ang natutunan niya hinggil sa love at relationship.
Ayon sa young actress, marami siyang natutunan sa kanyang nakaraang relasyon.
Hindi naman maitatwa na ang nakaraang relasyon ni Andrea ay highly-publicized.
Ang ex niyang basketball player na si Ricci Rivero ay inanunsiyo pa sa MOA Arena na gusto niyang maging girlfriend si Blythe after matapos ang kanilang game kung saan nag-champion ang UP Maroons, ang school team ni Ricci.
Nang mag-split ang dalawa ay highly-publicized pa rin ang nangyari, yun nga lang hindi maganda ang breakup nila.
Pero pinabulaanan ng guy na may third party sa pagitan nila nang magkahiwalay.
Wala raw bad blood between Ricci and Andrea ayon sa basketball player.
Pagkatapos ng isang buwan ay natanong ang aktres sa kanyang pagiging single.
Aniya, wala naman daw problema sa kanya dahil ang priority niya sa ngayon ay ang career.
Pero hindi naman daw niya sinasara ang pintuan ng kanyang puso kung may kakatok na love.
“Kasi ang love, ang kaisa-isang emosyon na kahit perfect ka na siguro, kapag tinamaan ka ng pag-ibig, puwede kang manghina,” esplika ng aktres.
Nung una raw kasi ay hindi niya maintindihan dahil maaga siyang nasaktan nang maghiwalay ang kanyang parents nung 7 years old siya.
Ang akala raw kasi niya lahat ng love will have its own happy ending, pero nang ma-inlove raw siya saka lang niya naintindihan ang lahat.
May girlfriend na ang ex ni Andrea, isang konsehal ng Los Banos, si
Leren Mae Bautista, ang inakusahang third party at cause ng break up nila na pinabulaanan naman ng
PBA cager.
***
BLYTHE DREAM MAKAPAG-ARAL SA PRIVATE SCHOOL
IBINIDA rin ni Andrea ang tungkol sa kanyang pag-aaral.
Gusto rin daw sana niyang mag-aral sa pribadong paaralan pero pinili niyang unahin ang pamilya.
Aniya, “Mga nepo baby at sosyal ‘yung mga friends ko noon.”
“So syempre mai-imagine mo ‘yung pressure na dumikit sakin bilang bata na breadwinner ako, tapos sila, they don’t have to pay for rent, bills.”
“Kaya ko naman pag-aralin ‘yung sarili ko sa private schools katulad nung friends ko. Pero in order to do that, magugutom ‘yung family ko,” ani Andrea.
***
KARYLLE AT ZSA ZSA NAGBIGAY NINGNING SA SANTA CRUZAN
AGAW-pansin ang mag-inang Karylle at Zsa Zsa Padilla sa pagsali nila sa Santa Cruz de Mayo na ginanap sa Intramuros.
Sa Instagram ni Karylle ay nagbahagi siya ng video na ang background music ay Piliin Mo Ang Pilipinas.
Napaka-elegante ng mag-ina, si Zsa Zsa bilang Reyna Emperatriz at Karylle bilang Reyna Elena.
Ang suot nilang gown ay likha ni Lito Perez para sa isang makabuluhang relihiyosong prusisyon.
Philippine Heritage Society ang nag-organisa ng event na nagdala sa prusisyon sa Manila Cathedral para sa isang sama-samang panalangin.
Usap-usapan sa social media sina Karylle at Zsa Zsa matapos nilang ibahagi ang mga highlight sa Sagala sa Maynila.
Marami ang humanga at pumuri sa ganda at karisma ng mag-inang Karylle at Zsa Zsa, na lalong nagpatingkad sa selebrasyon ng Santa Cruz de Mayo.