Advertisers

Advertisers

AYAW NI PBBM

0 6

Advertisers

NOONG nakaraang Huwebes nang nasa Cagayan de Oro si Pangulong Bong Bong Marcos (PBBM) sinabi nitong hinding-hindi niya bubuwagin ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa kabila ng mga panawagan ng ibang sekto, na alam naman nating panggulo lamang.

Sa ambush interview ng mga reporter kay PBBM habang binibisita ang lugar, sinabi nitong malaki ang nagawa ng NTF-ELCAC nang mapagtagumpayan ng pamahalaan ang laban nito sa mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF.

Kaya ano raw pa ang dahilan para buwagin ang task force? Dahil ba sa red-tagging? Paliwanag ni PBBM, hindi ang pamahalaan ang nagsasagawa ng red-tagging.



Ang red-tagging para sa inyong kaalaman ay ang pagpapakilala sa mga indibidwal o grupo na konektado sa CPP-NPA-NDF.

Eh sa aking pagkaka-alam, mismong ang namayapang founder ng CPP-NPA-NDF na si Joma Sison ang nagpakilala kung sino-sino pa ang kanilang kasama o konektado sa kanilang grupo. At ang mismong CPP-NPA-NDF ang nagpa-uso niton para sisihin ang pamahalalaan at makaiwas sila sa pagkaka-aresto.

Pero tama na muna ang paliwanagan, noon pa man ay tinalakay ko na yan sa inyo.

Sabi ni PBBM, naging instrumento pa nga ang NTF-ELCAC sa pagsuko ng karamihan sa mga miyembro ng CPP-NPA-NDF at maging kanilang mga taga-suporta. Dangan kasi nagbibigay ito ng kabuhayan sa mga nagsisuko at mga susuko pa, para muling makapamuhay ng tama.

Ang NTF-ELCAC ay likha ng Executive Order 70 noong 2018 ng dating pangulong Rodrigo Duterte, na ginawang institusyon ang tinatawag na “whole-of-nation approach” para tapusin na ang pakikipag-laban ng mga komunistang-terorista. Sama-samang pagkilos para kapayapaan ng bansa.



Kaya itinutuloy naman ito ni PBBM bilang kapalit ni Pangulong Duterte sa pangunguna at pangangasiwa ng NTF-ELCAC.

May sangay ito hanggang regional, provincial, city, municipality, at maging sa mga barangay, para ang mga tulong mula sa pamahalaan ay siguradong maibaba sa lahat ng bahagi ng bansa, at mawala na ang mga angal nang angal na CPP-NPA-NDF na marami daw ang naghihirap.

Ayaw ni PBBM na mabuwag ang NTF-ELCAC dahil ito ang sagot sa pag-angal ng mga komunistang-teroristang.